Chapter 58 Keitlyn's POV Sandali na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Gabriela matapos kong sabihin 'yon. Ngunit kahit na wala sa amin ang nagsasalita ay hindi naman nawala ang paningin niya sa akin. At alam ko na agad kung bakit ganito na lamang siya kung makatingin sa ako. Sigurado ako na pilit niyang binabasa ang nasa isip ko. Ngunit dahil nga sa ngayon pa lang kami nagkakilala ay nahihirapan siya. Buong tapang ko naman na sinalubong ang mga tingin niya dahil na rin sa umaasa ako na kahit papaano ay magkakaroon ako ng idea sa kung anuman ang nasa isip niya ngayon. Pero tulad niya ay nahirapan din ako na basahin ang mga nasa isip niya. Dahil nga sa hindi pa namin lubusan na kilala ang isa't isa ay hindi naman namin masisisi ang aming mga sarili na nahirapan kami na basahin

