Chapter 57 Keitlyn's POV Kinunutan ako ng noo ni Aether at alam ko na pinag-iisipan niya nang mabuti kung papayag ba siya sa plano na 'to. And I hope he will dahil wala na rin naman kaming iba pa na pagpipilian. "I see. Nice to meet you, Gabriela," sabi ni Aether at naglahad pa siya ng kamay. And I think sign na 'yun na pumapayag na siya sa plano ko. Sa tingin ko ay wala silang nakita na ibang taga-twentieth century na maaari naming gamitin para makapasok sa doon. Mabuti na lamang talaga na nakilala ko itong si Gabriela. Tinanggap naman ni Gabriela ang pakikipagkamay ni Aether at mukhang ito na ang simula ng aming pagkakaibigan. "Ayos lang ba kung mag-stay pa ako ng ilang minuto?" tanong nito kay Gabriela at walang pag-aalinlangan naman itong tumango. Nilingon naman ulit ako ni Aether

