Chapter 56 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung gaano katagal plano ni Aether na mag-stay ito but he needs to attend our classes dahil na rin sa masyadong terror ang mga professor namin. Baka nga maging ang pagkaka-excuse ko para sa morning classes na 'to ay naging questionable pa sa kanila. He has to attend classes dahil kung hindi ay parehas pa kaming mapapagalitan ng mga prof. At ayoko naman na makagalitan siya nang dahil lamang sa akin. Nilingon ko si Gabriela at nasabi ko agad na mukhang wala pa rin siyang balak na umalis dito sa kwarto. Which is good dahil hindi pa natatapos ang pag-uusap namin dahil nga sa naputol ito nang bigla na lamang dumating si Aether. At hindi ko magagawa na makipag-usap nang aos kay Gabriela dahil nga kay Aether. Hindi ko pa rin naman din kasi siya nasasabiha

