Chapter 55 Keitlyn's POV Bukod sa ginawa ko na pagtatalukbong ng kumot at tinakpan ko na rin maging ang tainga ko nang sa gayon ay hindi ko na marinig ang paligid ko. Ngunit dahil na rin sa ganito nga sila kalapit ay naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Nangingibabaw ang boses ng masungit na nurse dahil hanggang ngayon ay pinapalabas pa rin niya si Aether. Hindi man nagsasalita si Aether ay alam ko na nagmamatigas siya. Plus the fact na wala pa akong naririnig na yabag papalayo kaya alam ko na wala sinuman sa kanilang tatlo ang lumabas na ng kwartong 'to. Hindi ko man nakikita ay sigurado ako na maging si Gabriela ay nandito pa rin. Nararamdaman ko ang panonood niya sa nurse at kay Aeteher. Dahil nga sa naririnig ko pa rin ang mga boses nila ay tinanggal ko na ang pagkakatakip ng ka

