Chapter 16 Keitlyn's POV Dahil nga sa alam ko na rin naman kung ano ang itatanongsa akin ni Em ay tila ba ayaw ko na lang na dumiretso sa cafeteria. I don't wanna be with her dahil sa paniningkit pa lang ng mga mata niya sa akin kanina ay alam ko na agad na gigisahin niya ako. At wala naman akong nakikita na dahilan para pagdudahan niya ang pakikipagkaibigan ko kay Aether. Well, that's what I know, wala siyang dapat na ipagduda. My intention with Aether is pure at hindi niya dapat bahiran ng pagdududa. If she thinks na tatraydurin ko si Aether ay nagkakamali siya. Hindi ako marumi kung maglaro dito sa Weigand. Hindi ko kailangan makipag-trayduran para lang maka-survive. Kung ayoko sa isang tao ay hindi ako magsasayang ng oras para lang makuha ang tiwala niya at tatraydurin lang naman sa

