Chapter 17 Keitlyn's POV Hindi ko naman pwedeng itanggi sa aking sarili na hindi ako nahirapan sa pag-iisip ng pwede kong maging reaction. Dahil sa totoo lang, pakiramdam ko ay isa ang tanong na ito sa mga pinakamahirap na sagutin. At hindi ko alam kung bakit kaialangan kong manahimik. Pakiramdam ko ay kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang isasagot ko kay Em dahil alam ko na mas lalo lang niya akong iintrigahin. Na wala naman siyang dapat na ikahinala sa akin. Ngunit kung wala nga siyang dapat na ikahinala ay bakit nagdulot ng taranta sa akin ang tanong niyang ito. At kaysa mabaliw ako sa kakaisip ay pipilitin ko na lang na sagutin iyon sa paraan na hindi naman ako magmumukhang defensive. Kahit pa alam ko na mahihirapan ako dahil kaibigan ko si Em at malaki ang posibilidad na mabab

