Chapter 18 Keitlyn's POV Dahil mga sinabi ni Em ay nagdalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba ang pakikipagkaibigan kay Aether. Wala namang nagbago sa kagustuhan kong iyon. I still badly want to be his friend. Pero ang pumipigil sa akin ngayon ay ang kaligtasan naming dalawa. Ayoko na isa sa amin ang kinakailangan na magkripisyo at mapahamak. Parang mas gugustuhin ko na lang na maging isang normal na classmate ni Aether kaysa isugal ang kaligtasan namin. Kung nasa iisang century lang kami ni Aether ay wala akong magiging problema, because automatically, we are allies. Pero dahil nga sa magkaiba kami ng siglo na kinabibilangan ay mahirap para sa amin ang maging magkaibigan. Siguro nga ay hindi ko na rin dapat pa na ipilit ang pakikipagkaibigan kay Aether. Tutal at sinabi naman na noo

