Chapter 97 Aether's POV Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa port kung nasaan ang shipping vessel na pinagsakyan ko ng submersible. I know how to drive a vessel dahil na rin sa mga magulang ko na may-ari nga ng isang port. I'm not a pro, though. This will be my first time, actually. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila kapag sinabi ko na ito pa lang ang unang beses na gagawin ko 'to. My father just taught me how to drive a boat. Pero wala akong kinuhang course and even license para sa ganito. Kami lang ang may-ari ng port at vessel kaya magagawa ko na makapag-drive kahit na wala akong license o permit man lang. Mabuti na lamang at mayroong ganitong business ang family ng dad ko. Dahil kung hindi ay siguradoa ko na po-problemahin ko pa rin maging ang shipping vessel

