Chapter 96 Aether's POV Bakas sa mga mukha ng kasamahan ko ang labis na kalituhan dahil sa mga sinabi ko. Hindi naman na ako nagtakha pa kung ganito man ang maging reaction nila dahil alam ko naman na wala silang idea sa kung ano ang hinahanda naming plano ni Keitlyn. Si Keitlyn lang ang nakakaalam ng lahat at kabuuan ng plano ko. Wala rin kahit na isa sa kanila ang nakakaalam ng tungkol sa pagkaka-track ko sa Weigand na located sa Mariana Trench. Ngunit ngayon ay kailangan ko nang sabihin sa kanila ang buong plano ko kaya alam ko na magiging mahaba ang paliwanagan namin. Hindi ko naman plano na ilihim sa kanila ang tungkol sa plano ko na pagpunta ko sa Mariana Trench pero ang hindi ko lang sigurado ay kung sasama ba sila sa akin. At kung sasama nga sila sa akin ay hindi ko alam kung ha

