Chapter 95 Keitlyn's POV Hindi maitatago sa mga mata ni Em na napaisip din siya sa tanong ko na kung hahayaan kaya siya ng Weigand na makauwi pa sa kanila. Lalo pa ngayon na kahit hindi niya ginamitan ng remote ang mga posas ko ay kusa na ring natanggal ang pagkakaposas ng mga paa ko. At siguro naman ay alam ni Em ang ibig nitong sabihin. May timer lamang ang ginawa nilang pagposas sa akin. Inunat ko pa ang katawan ko para ipakita sa kanya na malaya na ako. Kahit pa halatang gulat siya ay hindi niya pinarinig sa akin na nagtatakha siya sa kung bakit kailangan na ganu'n ang maging set up ng Weigand gayong nandito naman siya. Mabuti naman na maging siya ay napapaisip na rin. Nang matapos na akong kumain ay bumaba na ako mula sa hospital bed at agad naman siyang napatayo. "Where are you g

