Chapter 65 Keitlyn's POV Tulad nga ng sinabi ni Gabriela ay hinintay namin ang dismissal para sa sinasabi niya na pag-uusap ng oras papunta sa kanilang bahay. At ang napag-usapan namin ay alas singko. And it only means na mayroon pa kaming isang oras para magpahinga. Nang makauwi nga ako sa bahay ay iyon nga ang ginawa ko. Minabuti ko na muna na makapagpahinga. Hindi naman namin napag-usapan nina Aether na ngayon kami gagawa ng hakbang para makahanap ng information tungkol sa submersible na planong makita ni Aether nang personal. Ang mahalaga sa amin ngayon ay ang malaman na welcome kami sa bahay nina Gabriela kaya hindi na kami mahihirapan pa na kumuha ng tiyempo na magyaya kami sa kanila nang hindi siya magdududa. Ipakita lang namin sa kanya na nag-enjoy kami sa kanilang panahon ay sa

