Chapter 66 Keitlyn's POV Kaya noon pa man ay naramdaman ko na agad na malaki ang maitutulong sa amin ni Gabriela ay dahil talagang malaki nga. Kung sasapi siya sa amin ay hindi na kami mahihirapan pa na pumili ng mga tao na mapagkakatiwalaan na galing sa ibang century dahil may mga kilala na si Gabriela. Plus the fact na nagkaroon siya ng mga kaibigan, ang ibig sabihin lamang nito ay kaya rin na makipagkaibigan at magtiwala ng ibang mga estudyante kahit sa hindi nila kasama sa century. Yes, Gabriela is a very friendly lady pero sigurado rin naman ako na hindi siya tanga para hindi malaman kung kaibigan nga niya ang mga taong 'yun o hindi. She looks smart kaya alam ko na kaya niyang malaman kung kaibigan nga rin ba ang turing sa kanya ng isang tao o may kailangan lang sa kanya. Well, we

