Chapter 67 Keitlyn's POV Kinabukasan nga ay pinagpatuloy na namin ang mga plano namin. Ngayon nga ay susubukan ko kung pagbibigyan ni Gabriela ang paghingi ko ng access sa time machine niya. Siguro ay magtatakha siya sa kung ano ang kailangan ko ngayon pero siguro naman ay pagbibigyan niya ako. Hindi ko nga lang alam kung naunahan na ako nina Aether na pumunta roon pero ang usapan kasi namin ay ganitong oras kami susubok. Sana nga lamang ay walang ginagawa si Gabriela ngayon o hindi naman kaya ay may lakad siya dahil hindi niya kami mapagbibigyan. Sana lang ay nasa kanyang silid niya siya nang sa gayon ay agad niya kaming mapagbuksan. Kung nasa ibang part siya ng kanilang bahay ay baka hindi niya marinig ang notification ng paghingi namin ng access. Bago ko i-swipe ang access card sa t

