Chapter 68 Keitlyn's POV Matapos nga ang tanong ko na 'yun ay hindi na kami muli pang nilingon ni Gabriela. Hindi ko tuloy alam kung may nasabi at nagawa ba ako na masama. Pero mukha namang hindi siya na-offend sa tanong ko. Ang tanging nakita ko lang sa mukha niya ay tila ba hindi niya nais na pag-usapan ang kung sinumang kaibigan ang tinutukoy niya. Ngunit hindi naman niya kailangan na umiwas nang ganito dahil hindi naman namin iyon ipagpipilitan na pag-usapan kung ayaw niya. Hindi rin naman ako interesdo sa kaibigan niyang 'yun kaya wala siyang dapat na ipag-alala dahil hindi ko siya tatanungin. Dahil nga sa hindi na ulit kami nilingon ni Gabriela matapos ko na magtanong sa kanya ay nagkatinginan kami ni Ginger at napakibit balikat din siya para sabihin sa akin na hindi niya rin alam

