4

1571 Words
NATUTOP ni Travis ang kanyang noo habang nakatitig sa bubong ng kubo. Inaalala niya kung paano siya napunta roon. Niyaya nga pala siya ni Damian na magtungo sa bukirin upang mamasyal. Kahit na tinatamad siya at nais niyang matulog ay pinilit siya nitong sumama dahil pagagalitan lang daw siya ng lola nila kung sa villa siya nito makikitang pakalat-kalat na natutulog. Nang malingat si Damian ay tumalilis siya. Nang makakita siya ng isang tahimik na kubo ay doon siya natulog. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatulog. Ni hindi nga niya alam kung kailan siya totoong nagising; kung ano ang parte ng panaginip. Tutop pa rin ang noo nang bumangon siya. Mag-isa na lang siya sa kubo.  Did I really kiss an angel? Baka naman parte lang iyon ng panaginip ko? Nahaplos niya ang kanyang mga labi. Tila totoong may mga labing lumapat doon. Tila nararamdaman pa rin niya ang malambot na mga labi ng anghel sa panaginip niya. The angel was so beautiful. Napakaamo ng mukha nito. He wanted to see her again. Muli siyang humiga sa papag. Pumikit siya. Sana ay matuloy ang panaginip niya. UMAHON bigla ang iritasyon sa dibdib ni Yvonne nang may humablot ng sigarilyong dadalhin na sana niya sa kanyang bibig. Nasa labas siya ng university at hinihintay ang ilang mga kaibigan niya. Hindi na niya kailangang lumingon upang malaman kung sino ang umagaw ng sigarilyo niya. Of course, it was Lucieno. “Hindi ka talaga nakikinig.” Mababakas ang inis sa mahinang tinig nito. “Ilang beses na kitang pinagsabihan na tigilan mo ang paninigarilyo. Kababae mong tao, naninigarilyo ka.” Tiningnan niya ito nang masama. “Wala kang pakialam sa `kin,” tugon niya sa malamig na tinig. Kahit kailan talaga ay kontrabida ito sa buhay niya. Naglabas siya ng panibagong sigarilyo mula sa bag niya. Bago pa man niya iyon masindihan ay naagaw na uli nito iyon sa kanya. “Ano ba ang problema mo, ha?” galit na tanong niya rito. Nagtagis ang mga bagang nito. “Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo, Yvonne. Hindi ka na ba naaawa sa mama mo sa mga pinaggagagawa mo? Kung kinakaya-kaya mo sila, ibahin mo ako. Umayos ka kung ayaw mong pinapakialaman kita.” Bahagya na siyang nanginig sa galit na nararamdaman niya. Gustong-gusto na niya itong sampalin ngunit nagpigil siya. Ayaw niyang gumawa ng eksena malapit sa university. Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya na may malalim siyang kaugnayan dito. Kahit kailan ay hindi niya matatanggap na parte na ito ng buhay niya, ng pamilya niya. Isa ito sa mga sumira sa pamilya niya. His existence alone hurt her and her mother. “Wala kang pakialam sa kahit na anong gawin ko dahil hindi kita kaano-ano. Wala kang karapatang magsalita nang ganyan,” aniya sa mahina ngunit galit na tinig.  “Kahit paano mo ikaila, nandito na ako, Yvonne. Wala ka nang magagawa pa. Ano ang mapapala mo sa pagiging rebelde, ha? Sa palagay mo, may buting naidudulot ang pagbibigay mo ng sama ng loob sa mga magulang mo? Sa palagay mo, may magbabago pa?” Lalong nadagdagan ang iritasyon at galit niya. Kaya nga siya mas nagrerebelde dahil alam niyang wala nang magbabago sa nakaraan, sa mga nagawang desisyon ng mga magulang niya.  This was how she dealt with everything. “Get off my back, Lucien. I don’t need you.” “Grow up, babe.” “I hate you.” “I know, and I don’t care.” “If you really don’t care, then stop pissing me off. Tumigil ka sa pagiging sumbungero. Hayaan mo ako sa mga ginagawa ko. Umakto ka na hindi mo ako kilala kapag nandito tayo sa university.” “Believe me, I would love to do that. Sa palagay mo, natutuwa ako tuwing sinasaway kita sa pagiging ganyan? Sa tingin mo, hindi ako naiinis tuwing nakikita kitang naninigarilyo kung saan-saan? Sa palagay mo ba ay nakakatuwang pagmasdan ka kasama ng mga kaibigan mong wala nang inatupag kundi ang gumimik? Wala na nga dapat akong pakialam sa isang babae na hindi ako matanggap at hindi kailanman matatanggap. Ginagawa ko lang ang lahat ng ito para kay Papa—para sa papa mo.” “Wala akong papa!” “Yvonne?” Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Sinikap niyang pakalmahin ang kanyang sarili nang makita si Antonette. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanila ni Lucieno. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.  Lalapitan na sana niya ang kanyang kaibigan ngunit hinawakan ni Lucieno ang kanyang braso. “I’m warning you, babe, stop being a brat before I lose my patience. Pumili ka ng matinong mga kaibigan,” bulong nito sa kanya. Marahas niyang hinablot ang braso niya na hawak nito at nilampasan ito. Wala siyang narinig sa mga sinabi nito. Wala siyang pakialam kahit na maubos ang lahat ng pasensiya nito sa kanya. Sadyang wala siyang pakialam dito. Paglapit niya kay Antonette ay hinila niya ito papasok sa gate ng university.  “You know Lucien Rodriguez, Yvonne?” manghang tanong nito pagpasok nila. “Bakit hindi mo sinabi sa `kin dati? I hate you.” Lumabi pa ito. Hindi na siya nagtaka kung bakit nito kilala si Lucieno. Sa katunayan, kilala ng lahat si Lucieno. Kilala na rin niya ito dati pa kahit na hindi pa niya alam ang totoong kaugnayan nila sa isa’t isa. Isa ito sa mga sikat na personalidad sa university na iyon. Daig pa nito ang celebrity kung ituring ng mga babaeng schoolmate nila. Bukod sa pagiging mayaman, matalino rin ito. Matanda lang ito sa kanya nang isang taon ngunit ahead ito nang dalawang taon dahil maaga itong nag-aral. Bukod sa pagiging mahusay sa klase, athlete din ito. Kabilang ito sa basketball team ng university nila.  Magandang lalaki rin ito kaya maraming babae ang humahanga rito. Maraming babae ang naghahangad na mapansin nito. Mailap nga lang daw ito at hindi basta-basta nakikipag-date. Nasa aura nito ang pagiging masungit at unreachable, ngunit imbes na tumigil at ma-turn off, lalo pa itong hinahangad na makuha ng marami. Kaya marahil nagtataka si Antonette na kausap niya si Lucieno. Bago niya ito nakilala, isang simple at tahimik na estudyante lang siya. Hindi siya nakikipag-usap sa mga “sikat” na personalidad sa campus. Iyon ang unang pagkakataon na nakita siya ni Antonette na kausap si Lucieno. Ayaw sana niyang malaman ng iba na magkakilala sila ngunit wala na siyang magagawa. “Hoy, hindi ka na nagsalita,” untag ni Antonette sa kanya. “Paano mo nakilala si Lucien? Ano ang sinasabi niya sa `yo kanina? Bakit parang iritable ka ngayon?” “Hindi ko siya gaanong kilala. Sinita lang niya ako kanina kasi nakita niya akong naninigarilyo sa labas. Ang pangit daw tingnan. Ang sungit, bad trip siya.” Banayad itong natawa. “Ganoon daw talaga `yon, eh. Pero ang suwerte mo, bruha. Hindi `yon basta-basta nakikipag-usap sa mga babaeng hindi niya kilala.” Napaismid siya. “Ano’ng tingin niya sa sarili niya, espesyal na espesyal? Pakiramdam niya, siya na ang pinakaimportanteng tao dito? Puwede ba?” naiiritang sabi niya. “Hindi naman halatang hindi mo siya gusto, ano?” “Puwedeng huwag na lang natin siyang pag-usapan?” hiling niya. Mas lalala ang inis niya sa lalaking iyon kung patuloy nilang pag-uusapan. “`Sabi mo, eh. Don’t forget about the party later, ha? Darating si Travis. I’m so excited!” Napangiti na siya at kahit paano ay nabawasan ang inis na nararamdaman niya. Wala ang mga magulang nito sa bahay kaya magpapa-pool party ito. Ang Travis na tinutukoy nito ay ang love of her life kuno nito. Hindi pa niya nakikilala ang lalaking iyon dahil magkaiba sila ng college department. Ngayon din lang yata pumayag ang binata na um-attend sa party na inorganisa ni Antonette. Nakilala rin lang ni Antonette ang Travis na ito sa party ng isang kaibigan nito. Love at first sight daw ang naganap. Natawa siya noong sabihin nito iyon sa kanya. Antonette was a known playgirl. Hindi na mabilang kung ilan ang naging boyfriends nito. Sa ganda nito, madali nitong nakukuha ang lahat ng lalaking magustuhan nito. Natutuwa ito kapag nababaliw rito ang isang lalaki. Para dito, laruan lang ang mga lalaki. Ngunit kakaiba raw si Travis. Antonette claimed she was in love—truly, madly, deeply. Hindi raw katulad ni Travis ang ibang mga lalaki. Hindi raw ito basta nakukuha sa ganda at charm. Hindi naman ito mailap o pakipot. He was even friendly and kind. Tila wala raw interes si Travis kay Antonette. Tila hindi raw ito apektado. Kaya marahil matindi ang paghahangad ni Antonette sa binatang iyon. Ito siguro ang kauna-unahang lalaki na hindi nagpakita ng interes kay Antonette. Natural na yata sa tao ang hangarin ang mga bagay na mahirap makuha. Sa nakikita niya ay tila mas na-challenge lang ang kaibigan niya. Hindi siya naniniwalang in love talaga ito. “Promise me you’ll be there, Yvonne. Ipapakilala kita sa kanya. Kapag nakita mo siya, malalaman mo kung bakit bigla akong nagkaganito,” sabi pa nito. “I’ll be there,” pangako niya. Hindi siya magpapaalam sa kanyang ina na dadalo siya sa party dahil alam niyang hindi ito papayag. Tatakas na lang siya mamaya. Pupunta siya sa party hindi dahil curious siya sa hitsura ng Travis na sinasabi nito. Dadalo siya upang makainom at makapagsaya. She wanted to forget everything. She wanted to have fun. Walang magagawa si Lucieno para mapigilan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD