INIS na inis si Yvonne habang nakatingin kay Travis. Kasalukuyang kausap nito ang isang babae na hindi niya kilala. Nasa party silang dalawa ng isang kaibigan ni Antonette. Pareho silang inimbitahan. Inakala niya na hindi ito a-attend ngunit pagdating nila ni Antonette doon ay naroon na ito. Hindi sana niya nais magtungo roon nang gabing iyon, ngunit pinilit siya ni Antonette. Ipinagpaalam pa siya nito sa kanyang ina. Hindi gaanong gusto ng pamilya niya si Antonette, ngunit kakatwang pinayagan siya ng kanyang ina na dumalo sa party. “Bata ka pa, kailangan mo ring magsaya. Umuwi ka na lang bago maghatinggabi.” Iyon ang mga sinabi ng kanyang ina nang payagan siya nitong lumabas nang gabing iyon. Her voice sounded weak. Tila may sakit ito. Nang tanungin niya ito ay inilingan siya nito at s

