Hindi makapaniwala si Lander na ang pagpapatawa lang pala ang makapagpalaho sa lahat ng hinanakit ni Samina sa tarantadong nobyo. Kaya pala takot na takot itong maiwan dahil may abandon issues din ito. And it would be nice if he could tell her something comforting. Kaya mo yan, Lander. Tinapik-tapik naman niya ang mga hita niya hudyat na gusto niyang kumandong doon si Samina. "Naalala mo pa ang ginawa natin kanina sa gubat? Kung paano tayo naghalikan doon?" Kimi lang itong napangiti sa kanya, oh man, ang cute pala tingnan nito pag namumula. Naalala tuloy niya ang mukha nito matapos nilang pagsaluhan ang pinakamasarap na halik sa tanang buhay niya. Kung hindi nga lang umepal yong bwisit na ahas. "Medyo nawala na yon sa isip ko, sobrang nataranta kasi ako sa ahas kanina." anito. "Humiri

