Hindi talaga napigilan ni Lander ang galit niya sa kasamahan. Sinugod niyang muli si Jarred at hinatak ang kwelyo nito. Binigyan niya ito ng matatapang na mga titig habang nanginginig ang mga kalamnan sa galit. In his periphery vision, nakita niyang papalapit sa kanila si Jazz, si Royet at ang ilan sa mga katutubo. Alam niyang aawatin siya ng mga ito kaya bago pa ang mga ito makalapit, kailangang klaruhin muna niya kay Jarred ang ilang mga bagay. "What's wrong with you?" angil sa kanya ni Jarred. Sinuntok niyang muli ito sa mukha dahilan sa pagdurugo ng labi nito. "The woman I'm about to introduce to you. She matters. A lot. Kaya naiinis ako sa kapreskohan mo at sa klase ng pagtitig mo sa kanya. Naintindihan mo?" Jarred held his ground. "Sino, si Ms. Herrera? I was just being friendly.

