Chapter 6

2737 Words
Ilang beses na sinubukang magtanong ni Samina sa lalaki hanggang sa maisatinig nga niya ito. "Tell me what's going on? Please." "You probably already guessed that your chat with uncle Simon is not happening right now. The safe house is under attack, presumably by the men who are after you. The mission's been aborted." Para lang itong nagkwento ng isang basketball game. Kanina medyo nakita niya itong nataranta pero ngayon balik ulit ito sa kalmadong mode. And maybe that was a good thing, dahil abot-abot na ang kanyang takot para sa kanilang dalawa ng lalaki. "What are we going to do? I mean, your mission has been aborted, but you're going to stay with me, right? Is that part of whatever the Leroy plan is? The man on the radio, Dragon Ball said, that the asset might have a tracking device. That's me, right? I'm the asset?" Nakita niyang lumiko ang lalaki sa lubak-lubak na kalsada at napapalibotan ulit ang daan ng maraming puno. "Yeah, you're the asset." Kinapakapa naman niya ang katawan dahil baka roon nga tinatago ang tracking device na sinasabi ng mga ito. "Okay, so how do I know if the bad guys planted a tracking device on me? I've got to rid it off." Napatingin ang lalaki sa kanya sa salamin. "We're not going to try to find it. If they put a tracking device on your body, it'll be on your clothes. Grab the bag by your feet." Kung hindi lang sinabi ng lalaki, hindi niya mapapansin na may paper bag pala ron sa ibaba ng upuan. Tiningnan niya ang laman ng bag, pambabaeng damit ang laman niyon, saka may kasama ring pares na panloob at sapatos. Tuloy nag-init ang mga pisngi niya nang makitang sakto lang talaga ang size ng bra at panty sa katawan niya. Ang lalaki kaya ang namili sa mga ito para sa kanya? Para namang nabasa ng lalaki ang iniisip niya kung kaya't napapansin niya na kanina pa ito nag-iwas sa kanya ng tingin. Tumikhim muna ito bago nakapagsalita sa wakas. "Pandora, uh, Jenan, from my team, bought those. I have no idea if she got the right fit. I..." His voice trailed off. Tas parang hindi ito mapakali. Bigla naman itong napahinto sa pagmamaneho. Isinukbit nito ang rifle sa kanyang balikat saka ito bumaba sa kotse. Nang makalabas ito, kinatok naman nito ang bintana sa gawi niya. At agad niya itong pinagbuksan. "After you change, I'll destroy your old clothes. When we're back on the road, I'll do my best to answer your questions. Be fast about it, will you? We're killing time." Sinara na niya ang bintana at tumalikod na rin sa kanya ang lalaki. Ang tikas talaga ng tindig nito kahit nakatalikod. Defender na defender talaga ang dating. Lalo na't mukha itong warrior na laging may giyerang susuungin dahil naka attached lang ang mga armas nito sa katawan. Matapos niyang pag-aralan ang kabuuang likod ng lalaki. Sinimulan na rin niyang hubarin ang bulletproof na binigay sa kanya ng lalaki. Saka ilang beses siyang napabuntong-hininga. Hinugot naman niya mula sa kanyang bulsa ang orihinal na kopya ng flash drive sa kanyang programa. Muntik na nga niya itong malimutan dahil sa mga nakakagimbal na pangyayari. Nasira na niya ang isang kopya nito, ano kaya kung itong orihinal naman ang isama niya sa pagsira ng kanyang mga damit? Pero mukhang hindi magandang ideya yon. Napatingin muna siya sa likod ng lalaki bago niya hinubad ang kanyang palda at panty. Mahirap na baka mabusohan pa siya nito. Tas dali-dali niyang sinuot ang bagong panty na kasyang-kasya lang talaga sa kanya. Isinunod na rin niya sa pagsuot ang khaki na pantalon at doon niya inilagay sa bulsa nito ang flash drive. Habang nagtatanggal na siya ng butones sa kanyang blusa, hindi naman niya linubayan ng tingin ang likod ng lalaki dahil baka mapalingon ito saglit. Ngunit napatanga lamang siyang nakatingin sa nakakatakam na likod ng lalaki na animo'y isa itong masarap na putahe. Reaching behind her, she unclasped her bra. Uminit tuloy bigla sa loob ng kotse. Pinagpawisan rin siya, kaya basang-basa ang kanyang bra ng hubarin niya ito. At hanggang sa mga oras na yon wala pa rin siya sa sarili na nakatitig sa likod ng lalaki kahit naka exposed na ang kalahating katawan niya. Sabagay, mukhang maginoo naman ang lalaki at sigurado siyang hindi nga ito maninilip. At nang matauhan siya, dali-dali na niyang isinuot ang pang-itaas na damit saka isinunod niya agad sa pagsuot ang sapatos. Ang galing naman pumili sa kaibigan nitong babae at kasya talaga lahat sa kanya. Ipinasok na niya sa paper bag ang mga pinagpalitan na damit saka niya kinuha ang atensyon ng lalaki. "Everything fits," she said lamely, handing him the bag. "It's nice to have shoes again." Kinuha na ng lalaki ang paper bag at buti nalang na ang kanyang hinubad na bra at panty ay nasa pinakailalim na parte niya nailagay. Nakita niyang inilapag nito ang paper bag sa lupa, tas may kinuha itong canister mula sa nakapulupot na strap sa katawan nito, binuhos nito sa paper bag ang laman na likido ng canister, kumuha ito ng posporo at sinindihan, at itinapon ito sa paper bag na kaagad namang umalab ang apoy. "I've been thinking about the questions you asked." Biglang saad ng lalaki na nagpabaling sa kanyang atensyon dito mula sa pagkatitig sa apoy. "You wanted to know if I'm going to let the bad guys get you or if I'm going to help you, even though the mission was aborted." Kahit pa kinakabahan siya sa kasagutan ng lalaki pero pinili niya pa ring kumalma. At kung sakali mang sabihin nito na dito magtatapos ang pagprotekta nito sa kanya, ipaglalaban talaga niya ito. Pakikiusapan niya ito kung kinakailangan. Naka depende kasi nito ang kaligtasan niya dahil alam niyang wala siyang kalaban-laban mula sa mga masasamang loob na humahabol sa kanya. "I don't know who else I can trust. I don't have a car or family here, and my ATM card and ID were probably lost when my apartment burned up. I don't know how I could stay safe without your help." Parang natigilan naman ang lalaki sa sinabi niya. "Do you know what my job is?" "Yes. You're a driver." Napatango ito. "And do you know why my bosses assigned me to be your driver?" "No." "Because that's my job - to keep the asset safe." Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "That's right. The fact that I am standing here with you means I have a perfect record when it comes to protecting people. And I'm sure as hell, I'm not going to screw up that reputation with you. Are we clear?" Medyo nayayabangan man siya sa sinabi ng lalaki, but they were the most comforting words she'd ever heard. Hindi sila magkakilala, ngunit pinoprotektahan siya nito sa abot ng kanyang makakaya. At hindi matutumbasan ang ginawa nito para sa kanya. Dahil maski ito binuwis nito ang kanyang buhay para lang maprotektahan siya. "I think it's time to tell me your name, because I'm not going to call you, Daredevil." Mukhang natigilan na naman ang lalaki pero agad din itong nakabawi at nakikipagkamay ito sa kanya. "Interpol Special Agent Lander Veracruz. At isa akong pinoy, Samina." Ang buong akala niya na isa itong Brazilian, ngunit kababayan lang pala niya ito. Mas napanatag naman ang loob niya dahil maituturing na nga niya ito na kakampi. "Ikinagagalak kong makilala ka, agent Veracruz." Binitiwan na nito ang kamay niya saka ito napaatras para bigyan ng distansya ang pagitan nila. "Tawagin mo nalang akong Lander." Napatingin ulit siya sa nasusunog na mga damit niya. Her life would never be the same again. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan lang niya. "Hindi ka iiyak, di ba?" Ang biglang pagtanong nito ay ang pumutol sa kanyang sentimento. Napakislot naman ang mukha ni Lander nang titigan niya ito. Sa palagay niya, si Lander ang tipo ng lalaki na walang kinakatakutan..pero mukhang takot naman pala itong makakita ng umiiyak na babae. Kahit pa nag-aalala siya sa sitwasyon niya ngayon ngunit hindi niya maiwasan na lihim na mapangiti sa inasal ng lalaki. At nagkunwari pa nga siya na offended sa sinabi nito. "Eh pano kung gusto ko ngang umiyak? May magagawa ka ba?" Napakamot ito sa ulo. Saka nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Kalimutan mo nalang na sinabi ko yon. Tara na nga, umalis na tayo. Mas delikado kung magtatagal pa tayo rito." Pinagbuksan muna siya nito sa backseat bago pa ito umakyat sa driver seat. Hmm..Tama nga ang assessment niya rito. Mukha lang itong tigasin ngunit alam niyang may soft spot din ito. Habang pinapatakbo nito muli ang sasakyan, hindi naman niya maiwasang tapikin ang balikat nito. Mukhang na tense tuloy ito sa paghawak niya at tinitigan siya nito sa salamin. "Para lang ito sa kaalaman mo ha, for future reference lang itong sasabihin ko sayo. Alam mo ang pinakamabisang gawin pag umiiyak ang isang babae ay ang manahimik at bigyan mo siya ng tisyu." Gumalaw ang mga panga nito hindi dahil sa iritasyon sa sinabi niya kundi tila ito nagpipigil ng tawa. "Pasensya na, tulog ako sa klase nang e-discuss ng guro yan." Napasandal siya ulit sa upuan niya sa likuran. "Kailangan ko ring banggitin sayo ang exception sa tissue rule na yan, dahil kung hindi mo pa rin siya mapatahan, hihintayin mo nalang kung kailan matatapos ang pagsesentimento niya. Sa tingin mo ba magagawa mo yan, agent?" "Roger that. Eh maari naman kayong mga babae ang mismo kumuha ng tisyu." Her chest shook with a silent chuckle. "Palusot ka pa. Pero may punto ka rin." "Yeah right. Alam mo, ikaw palang ang kauna-unahang nilalang sa mundo na nagbigay kumplimento sa sinabi ko." saad nito at binuksan at isinara ulit nito ang glove compartment. "Basta wag na wag ka lang iiyak dahil wala akong dalang tisyu rito." "Wala rin ba diyan sa Batman utility belt mo? Parang nariyan na kasi ang lahat ng pangangailangan mo eh." "Sa tingin mo ba mag-aabala pa akong magdala ng tisyu kasama don sa mga bala at magazines ko?" Natahimik siya bigla hanggang sa maalala niya ang sinabi ng lalaki sa mga ka team nito. "Siyangapala, ano yong sinasabi mong Leroy?" "Leroy? Hindi mo ba alam na kanta yon? Leroy, Leroy, Sinta, Buko ng papaya, dala dala'y buslo, Sisidlan ng sinta..." "Ano ka ba, alam kong hindi kanta yon noh. Patawa ka talaga." "Okay, seryoso na. Si Leroy Yamamoto ang personal trainer ko. Itinuro niya sakin ang lahat kung paano mabuhay sa kagipitan at kung paano ko magawa ang trabaho ko ng maayos. One thing I learned from him was that going into any situation, you have plan A, plan B, and going down the line, but you always have one last plan no one knows about, only you. So kung sakaling magkagipitan at hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo, at least may nakahanda kang sariling plano mo." "Well, it make sense." "Baguhan lamang ako sa Interpol, pero matagal na ako sa trabaho ko bilang agent. Kaya kahit may sariling plano pa ang mga nakakataas samin sa tuwing meron kaming gagawing misyon, may sarili naman akong nakahandang plano. At yan din ang payo ko sa mga ka team ko. Kaya naging Leroy na ang tawag namin sa aming back-up plan. At yan na nga ang history ni Leroy." "Ilan ba kayo lahat sa team mo?" "Lima kami lahat." "Alam mo rin ba kung anong Leroy nila?" "Wala akong clue, at hindi rin nila alam ang plano ko. Kaya kahit saan man ako mapadpad nito ay hindi nila malalaman hangga't ako mismo ang magsasabi sa kanila." Kahit nga siya wala rin siyang clue kung saan man siya dadalhin ng lalaki basta pagkatiwalaan nalang niya ito sa sinasabi nitong plano. Gusto rin sana niyang itanong dito kung maari ba niyang kontakin ang kaibigang si Clarkson para malaman lang nito na ligtas siya. Ngunit mukhang nakarating na sila sa paroroonan dahil inihinto na ni Lander ang sasakyan sa tapat ng isang bakal at malapad na gate. Unang bumaba si Lander sa kotse at linapitan niya yong heavy metal na gate saka binuksan. Nang malawak na itong mabuksan ni Lander, bumungad sa kanila ang iba't ibang klase ng helicopter. Agad naman na linapitan ng lalaki ang pinakamaliit na helicopter na mukhang two-seater lang yata. The closer she got to the helicopter, the more trepidation made her heart pound. Ito na ba ang sinasabi nitong Leroy? My Gulay! Kailanman hindi niya naging paborito ang paglipad dahil takot siya sa heights. Lalo na't mukhang laruan lang itong helicopter na napili ni Lander. "Alam mo kung pano magpalipad nito?" Hindi siya agad sinagot nito dahil naging abala ito sa pag inspect sa helicopter at nakita na lamang niya ang malalaking pulang letra na naka imprinta nito. BRAZIL PHOTOGRAPHY TOURS. Lumingon naman sa kanya ang lalaki at nginitian siya. "Kung nakatulog man ako nang e-discuss ng guro namin kung pano aluin ang isang umiiyak na babae, pero kahit papano hindi ako nakatulog sa lesson namin sa Aeronautics. Kaya wag kang magmukhang ninenerbyos diyan. You're bruising my ego." With that, he strode to the wall and punched a button. Unti-unti namang bumukas ang bubong sa gusaling iyon. For a second, may naisip naman siyang ridiculous na idea sa mga oras na yon. Isa lang kasi ang pintuan ng helicopter at sa pilot side lang ang merong pintuan. Naisip niyang mas okay na rin na walang pintuan ang passenger side dahil kung magka-crash man ang helicopter, madali lang sa kanya na tumalon. With mounting anxiety, she calculated how many seconds it would take to hit the earth after a free fall from ten thousand feet. My Gosh! Isipin palang niya kung gaano kataas ang lipad ng helicopter ay bumaliktad na ang sikmura niya. Nakangiting napatingin ulit sa kanya si Lander. "I see your mind working overtime, trying to make sense of it all, pero tigilan mo na yang pag-iisip mo ng masyado. Either you like it or not, we've all got for fight-or-flight? But I rather choose, It's flight time." "Hindi ba mukhang maliit itong helicopter na sasakyan natin." Inilahad naman ni Lander ang kamay nito upang maalalayan siyang makaakyat na sa passenger side. "Ouch! You're bruising my ego again. Don't you know it's not polite to go around insulting the size of a man's helicopter?" Hindi siya agad nakasagot sa lalaki. Nagproseso pa yata ang utak niya sa tamang sagot. Pero kung sariling desisyon naman niya ang susundin baka ito pa ang makatsugi sa kanya. Drawing a steadying breath, she accepted his hand and climbed inside. Pagkasakay na pagkasakay niya sa helicopter, napansin niyang malaki naman pala sa loob. Pero nang si Lander na ang umakyat, bahagyang nayanig ang loob ng helicopter. My goodness! Hindi pala kaaya-aya itong sakyan. Inabotan siya ni Lander ng headset, at sinuri muna nito ang kanyang seatbelt saka ito ikinabit sa kanya. He then fiddled with various gears and switches. Bumuhay na ang makina ng helicopter at talagang nakakabingi ang tunog niyon. She could tell the rotor blades were spinning by the swirl of dust on the floor and the flap of papers tacked to the wall. Nararamdamam na niyang paangat na sila. She clutched the arms of her seat and squeezed her eyes closed. "Mag relax ka lang." sabi sa kanya ni Lander sa pamamagitan ng headset. "Kung meron ka mang kinakatakutan na bagay, maniwala kang hindi ito yon." That was sound logic, pero kailan ba nananaig ang logic laban sa takot? "Hindi pa kasi ako nakasakay ng helicopter." "Naintindihan ko. Pano kung isipin mo nalang na isa to sa pinakamahal mo na binayaran na aerial tour? At ang bonus pa na iyong makukuha, may gwapong personal tour guide ka pa." Kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata, hindi naman niya maiwasang hindi mapatawa sa mga hirit ng lalaki. "So promoted ka na ngayon sa pagka driver hanggang sa pagiging piloto at tour guide." He squeezed her shoulder, which was probably meant as a gesture of comfort, but it made her stomach drop. "Anong ginagawa mo? Ibalik mo nga yang kamay mo sa manibela, o kung anuman ang tawag mo diyan." He chuckled and removed his hand from her shoulder. "Cyclic stick ang tawag nito." "Whatever." aniya. "At bilang tour guide mo, I suggest you open your eyes and look out your door. The view of Tijuca rainforest is freakin cool, and in about ten minutes, we'll be crossing over to the Christ the Redeemer statue." Nang buksan niya ang mga mata, di pa rin niya maiwasang hindi kabahan. "Nice try." anito tas napatawa ulit ito. Ngunit nakita nalang niyang biglang napalis ang ngiti sa mga labi nito. "Putragis, hindi maganda to." sambit nito. "Ang alin?" Without warning, the helicopter swerved right and dropped altitude. She yelped, her eyes flying open and arms flailing. "Anong ginagawa mo?" "Hang on. Mukhang nasundan tayo." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD