Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog basta ginising na lang ako ni Hugo ng mga alas sinco ng umaga. "Deng, nandyan na 'yung truck," sambit niya sa akin habang niyuyogyog ako. "Huh? Nandyan na ba? Hala hindi pa ako nakakaligo," "Ok lang mag ayos ka na lang ng mukha mo at ng damit mo," "Hala nakakahiya baka magkaputok ako," "Edi mag deodorant ka. Wala na tayong oras Deng. Inilalagay na nila Arthur 'yung lechon sa truck tapos pagkatapos nun aalis na tayo," "Ok! Ok! Saglit! Magpapalit lang ako ng damit sa bahay tapos kunin ko 'yung kotse ko," "Ok sige. Uuwi rin ako sa bahay para magpalit tapos kita na lang tayo dito sa tindahan," "Oo! Ganun na lang!" Madali akong tumakbo palabas ng tindahan at nakita ko si Arthur at ang iba pa naming mga tauhan na nag-lalagay ng lechon sa loob

