Sinubukan kong makalayo sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil hinawakan niya muli ang mga kamay ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. "Please tell me na mahal mo rin ako!" umiiyak na sambit niya sa akin. "Let's talk in private Hugo," Paanyaya ko sa kanya. "Hindi! Sabihin mo sa akin ngayon din kung mahal mo ako kung hindi ititigil ko na ang kabaliwan ko sayo!" "Hindi ko sasabihin sayo ang nararamdaman ko kung ganyan ka! Naiinis ako sa inaasal mo ngayon!" Sigaw ko sa kanya. "Hala ka at may pupuntahan tayong dalawa!" Hawak niya sa kamay ko sabay madaling umalis sa labas ng tindahan. Hinila ako ni Hugo patungo sa bahay nila at pagpasok namin doon ay agad niya akong dinala sa silid niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko nito ngunit ng nakapasok kami sa silid niya at na

