Pagsara na pagsara ko ng pintuan ko ay tumakbo ako sa kama ko para umiyak. Humagulgol ako sa kama ko at umiyak ako. Nasasaktan na naman ako dahil pakiramdam ko iiwan na rin ako ni Hugo at liligawan na niya si Ashley dahil nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya nung nakita niya si Ashley dito kanina. "Kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon at kung ano mang namumuong amihan at habagat sa kanila ay dapat ko itong tutulan dahil ako ang nararapat para kay Hugo! Ako dapat ang nagpapasaya sa kanya ngayon dahil ito kami naman talaga!" Gigil na sigaw ko. Hindi ako mapakali sa pwesto ko kung ano-ano ang gumugulo sa utak ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Hugo. "Pag ito sinagot mo ibig sabihin mahal mo ako pero kapag itong tawag ko hindi mo sinagot hindi mo ako

