Nakaupo ako nito sa kusina habang binabantayan ko ang sinaing ko nang dumating ang mga kapatid ko. Lumapit sila agad sa akin at kinamusta muli ako sa pakiramdam ko. "Kumusta ka Ate? Bakit nahihilo ka na naman?" nag aalalang tanong ni Intoy sa akin. "Oo eh," Palusot ko sa kanya. "Nasaan na 'yung sinasabi mong na-aksidente mo Ate?" tanong ni Ada sa akin. "Ano! May naaksidente ka Ate!?" gulat na tanong ni Intoy sa akin. "Ang oa talaga nitong tiyanak na 'to!" Angal ko sa kanya. "Hindi naman grabe 'yung sugat niya pero para sa akin nadungisan ko 'yung maganda niyang kutis," "Nako! Yare ka!" Pang aasar sa akin ni Ada. "Nasaan na ba siya?" Ngumuso ako sa pintuan ng banyo at napatingin silang dalawa doon. Tutok na tutok ang atensyon nila Ada at Intoy sa banyo ng biglang bumukas ito. Sobr

