Habang kumakain kami ay tinanong ko ang isa sa mga nasa truck kung sino pa sa kanila ang marunong mag drive at may lisensya ngunit isa lang daw ang meron sa kanilang ganun kung hindi ang mismong driver nila. Wala na akong choice kung hindi ang pumalit kay Hugo na mag-drive dahil nakakaawa rin naman kung siya pa rin ang mag drive pauwi lalo na't pagod at puyat rin siya. Maraming oras naman akong nakaidlip eeh kaso nga lang putol-putol pero atlist 'di ba nakaregen ka na ng pagod mo. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kotse para doon magpahinga ng kaunti. "Ako na ang magda-drive pabalik ng Batangas magpahinga ka na diyan para naman magkaroon ka ng kaunting lakas," nag-aalalang sambit ko kay Hugo. "Sigurado ka ba diyan? Hindi ka ba mahihirapan?" "Ok na ako!" masayang sambit ko

