Sobrang tahimik sa labas kaya kung ano-ano na ang naiisip ko na ginagawa nila Ashley at Hugo. Pagkatapos kong magbihis ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ko para makita ko kung anong ginagawa nilang dalawa. Pagsilip ko sa labas ay saktong papasok ng banyo si Ashley at nag-tataas naman ng pantalon si Hugo. Madali akong lumapit kay Hugo at laking gulat niya sa akin. "Ooh? Bakit parang gulat na gulat ka diyan Hugo?" nakataray na tanong ko sa kanya. "Huh? Anong gulat na gulat ang sinasabi mo diyan?" Palusot niya sa akin. "Sus! Kakatapos niyo lang?" galit na tanong ko sa kanya. "Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak mo Deng," "Nako! tigilan mo ako sa ganyan mo Hugo!" Sigaw ko sa kanya. "Ano bang problema mo?" inis na tanong niya sa akin. "Wala! Wala akong problema Hugo!" N

