Bago ako tumungo sa tindahan ay sinigurado ko muna na nakapag-agahan ako at para hindi ako magahol sa oras ko ay naligo na rin ako. Kahit pa hinihigaan ko si Hugo ay hindi pa rin siya nagigising kaya nag-iwan na lang ako ng sulat sa tabi niya na kung sakaling magising siya bago mag alas sinco ay makapag-paalam pa ako sa kanya bago umalis ng tindahan. Pagdating ko sa tindahan ay nakita ko si Arthur na nagyoyosi. "Ang baho aah," Angal ko sa kanya. "Sorry naman Madam," tumatawang sabi niya sa akin. "Ang aga mo naman yata? Si Boss Hugo?" "Tulog pa ang animal! Kanina ko pa ginigising 'yun pero ayaw gumising," "Baka naman pinagod mo?" tumatawang tanong niya sa akin. "Sabunutan kaya kita diyan! Wala pa kami sa stage na 'yun noh!" "Ok sabi mo eh!" "Kumusta ang mga lechon?" "Ok naman sila

