Mabilis akong nakatulog gawa na rin siguro ng pagod ko. Lumipas ang mga ilang oras ay nagising na lang ako sa tilaok ng mga manok. Madali kong iminulat ang mga mata ko at bumangon ako sa kinahihigaan ko. Dahan-dahan ko lang ginawa ang pag bangon dahil nasa kasarapan pa ng tulog ang kapatid kong si Ada sapagkat nag hihilik-hilik pa ito. Kinuha ko agad ang bath robe ko at isinuot ko pagkatapos ay kumuha ako ng barya sa aking pitaka at labas ng bahay para bumili ng pandesal para sa agahan naming magkakapatid. "Ito na lang muna para sa agahan mga tiyanak." nakangiting sambit ko habang naglalakad patungo sa pandesalan ni Mang Kanor. Habang naglalakad ako ay nakasabay ko si Aling Bebang na patungo rin kay Mang Kanor. "Anong chika?" tanong ko agad sa kanya. "Mamaya pa gagana ang radar ko,"

