Binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko at pumasok na ako sa loob. Masyadong maaraw at maliwanag ang kapaligiran kaya napasuot ako ng sunglasses ng 'di oras. Binuksan ko na ang makina ng kotse ko at iniurong ko na ito palabas sa lane para makaalis na ako ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Napatingin ako sa lugar kung saan nagmula ang ingay at nakita ko muli 'yung lalaki. Binuksan ko ang bintana at tinanong ko siya agad. "Anong kailangan mo?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Ikaw lang ba mag-isa?" tanong niya sa akin. "May nakikita ka bang iba?" pilosopong tanong ko sa kanya. Tumawa siya sa akin at ngumiti ng nakakaakit sabay tugon sa akin. "Ito naman si Ms. Ganda masyadong pilosopo," nakangiting tugon niya sa akin. "Anong sadya natin?" tanong ko sa kanya habang nakangiti

