"Ayy oo nga pala nakalimutan ko 'yung pa free taste ko na lechong baboy," nag aalalang sambit ko kay Ms. Honey. "Nako wag ka nang mag-abala pa sa pa free taste mo suki na kami ng lechon mo noh!" tumatawang sambit niya sa akin. "Talaga ba? Kailan pa po Ma'am?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Since last week pa siguro kami umoorder sayo ng lechon," "Last week?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi ko sila nakita sa list ko siguro hindi sila na lista ni Hugo. Hindi ko din sila nakausap last week kasi nandito ako sa Maynila noon," sambit ko na lang sa sarili ko. "Yes! last week pa kami suki sa inyo. Anyway, that's not the point here nagustuhan ng Boss ko ang lechon niyo kaya gusto niyang umorder sa inyo everyday panghain sa mga bisita namin dito sa hotel at pang parties na rin," "Mara

