Palinga-linga ako sa paligid ng lobby hanggang sa makalabas ako sa lobby. Papasok na ako nito sa kotse ko ng biglang may van na huminto sa harapan ko. Bumukas ang pintuan nito at hinila ako ng dalawang lalaki sa loob para makapasok ako sa kotse. Nagsisisigaw ako sa labas ngunit walang nakapansin sa amin kaya matagumpay nila akong nakuha. Nanginginig ako sa takot nito at umiiyak na ako habang nakatingin ako sa mga lalaking nakamaskara sa harapan ko. Tinali nila ang mga kamay ko para hindi ako makatakas agad sa kanila ngunit hindi nila ako tinalian sa mga paa ko. "Parang awa niyo na po wala po akong perang pambayad sa inyo. Mahirap lang po kami!" Pangmamakaawa ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at hindi sila sumasagot sa akin kaya patuloy akong umiiyak sa harapan nila. "Kung gus

