Pag-andar ng kotse ni Franco ay hindi ko na siya kinausap pang muli. Nahihilo pa rin ang pakiramdam ko nito at may kaunting galit akong naramdaman sa ginawa niya sa akin. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Ganito lang kadali sa kanila ang mang kidnap ng tao? Anong klaseng tao ba sila? Ang daming mga tanong ang naglalaro sa utak ko ngayon dahil sa naging ugali ni Franco sa akin. Habang seryosong nagmamaneho si Franco ay bigla ko na lang siyang tinanong. "Anong nagustuhan mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng bahagya sabay balik ng atensyon niya sa pagmamaneho. "I don't know?"nagtatakang tugon niya sa akin. "Huh? Teka kanina lang nag confess ka ng feelings mo sa akin tapos ngayon parang wala na?" "Eeh nag confess na ako then you rejected me right so bakit ko pa sa

