Mercedes I AM PREGNANT. Hindi ko pa rin magawang mapaniwalaan iyon. Tulala ako habang nakaupo sa kama at malayo ang tingin. I don’t know how to digest the news. Gusto kong maging masaya dahil matapos ang pagkawala ng unang baby ko ay biniyayaan ulit ako, pero naandito iyong takot. Paano kung mawala na naman ang baby ko sa pangalawang pagkakataon? Hinimas ko ang aking tiyan. Iniling ko ang ulo ko at inalis ang mga iniisip ko. Hindi ko dapat hayaang isipin ang mga ganoong bagay. I should be happy with the news. Lumabas ako ng bahay at hinanap ang mga bodyguards ko. Wala si Kazimir dahil kasama siya ni Kirill ngayon. Isinama siguro nito dahil inisip niya na hindi naman ako aalis ng bahay. Well, now, I need to see my doctor. Tumawag na rin ako kay Dra. Karla at sinabi niya that I can v

