SUMAPIT ang gabi nang hindi pa rin lumalabas si Noah sa opisina niya. Doon na nga rin siya kumain kanina ng dinner niya, eh, hindi siya sumabay sa akin maghapunan. Siguro ay galit pa rin siya. Ano bang dapat kong gawin ngayon? Ayoko namang lumaki lalo ang galit niya sa akin. Nagkamali ako, dapat ba akong mag-sorry? Ok. Magso-sorry ako kasi ako ang mali. Pagkatapos kong maghanda ng isang basong gatas para kay Noah, nagtungo na ako sa opisina niya. Nang nasa tapat na ako ng pinto niya ay humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok at tuluyang pumasok. Nakita kong dumako sa akin ang tingin niya ngunit ang ulo ay nananatiling hindi gumagalaw. Tama ba 'tong pinaggagagawa ko? Bahala na nga! "A-ah, dinalhan lang kita ng gatas," nauutal kong sinabi saka dahan-dahan na lumapit pa

