"H-Harold? A-anong ginagawa mo rito?" utal kong tanong.
Ilang buwan din kaming hindi nagkita, akala ko nga ay galit siya kung kaya't 'di na siya nagparamdam pa pagkatapos nang araw na pinuntahan niya ako sa skwelahan.
"You didn't even invite me in your wedding," panimula niya at bahagya pang yumugyog ang balikat niya nang mapakla itong tumawa. "But it's ok, hindi naman din ako pupunta. Hindi ko naman kasi kayang makita kang ikakasal sa iba," puno ng sakit niyang sambit.
My lips parted, I feel the pain he feels. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko, naba-blangko ako bigla dahil na rin sa pinaghalong hiya dahil hindi ko siya inimbita at ilang dahil sa mga salitang binibitawan niya sa akin ngayon.
"I'm... I'm sorry... A-anong kailangan mo? I mean, ano pang gusto mo ngayon at nagpunta ka rito?" pagtatanong ko habang nararamdaman ang bawat pagbilis ng t***k ng puso ko sa lumilipas na segundo. Hindi ko alam kung kaba ba o ano ang nararamdaman ko.
"I asked you before and until now, I'm waiting for your answer, Angelique. Kaya ako nandito ngayon ay para tanungin kang muli sa huling pagkakataon. Bakit... bakit hindi na lang ako?" Lumapit siya sa akin bigla at kinuha ang mga kamay ko, ngunit mabilis ko 'yong inagaw mula sa kanya saka lumayo.
"Can't you see? Ikakasal na ako, Harold," mahinahon pa rin ako. Wala naman akong ikinakagalit at mas lalong hindi ko ikinakagalit na pumunta siya rito, nagulat lang ako lalo na't hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan itong lugar kung saan ako inayusan. But, yeah, I remembered he's Harold Buenaventura, he have a lot of source in here. 'Di na ako dapat magtaka pa.
"Angelique, hindi pa nag-uumpisa ang kasal, maari ka pang umatras—"
"W-wait, wait... What?" I cut him off. "Pumunta ka ba rito para pigilan ako na magpakasal kay Noah, huh?" 'Yon ang satingin kong pinupunto niya.
"Yes. Gusto kong baguhin ang desisyon mo at pilitin kang sumama sa akin, Angelique," walang kaabog-abog na wika nito.
Bumibigat ang pakiramdam ko habang umiiling sa kanya. Gusto niyang huwag akong tumuloy sa kasal at siya ang piliin ko pagkatapos?
"You look beautiful in that dress, Angelique, pero mas maganda na kung isusuot mong gown ay 'yong para sa mismong kasal talaga nating dalawa, hindi kasal ninyo ni Noah. Choose me instead, Angelique, choose me," dere-deretsong anito.
"H-Harold, are you out of your mind? Kung makapagsalita ka ay parang kay daling gawin ng mga hinihiling mo. This is my wedding, and you're trying to ruin it?" mahina ngunit mariin kong sambit. Iniiwasan kong lumakas ang boses ko dahil baka marinig kami sa labas. Pero ramdam ko na ang pagkuyom ng mga palad ko habang masamang nakatitig sa kanya.
"Angelique, I just want you to give the best in life. I will give you everything na siyang hindi kayang ibigay ng lalaking pakakasalan mo. You said to me before, you want a good life, not complicated, right? Gusto mo ba talagang may pagsisisihan ka pagkatapos nito—"
"At anong pagsisisihan ko ro'n, Harold? Na pinakasalan ko ang isang tulad ni Noah, gano'n ba—"
"Yes! Dahil 'di hamak naman na kaya kong ibigay sa 'yo ang lahat kaysa sa mahirap na tulad—" Dumapo na ang palad ko sa pisngi niya bago pa man niya matapos ang sasabihin. Tumagilid ang kanyang ulo at sandali itong hindi gumalaw, nagulat marahil sa aking ginawa.
"I-I'm sorry..." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kung kaya't nagawa ko 'yon. Bigla kasing uminit ang pakiramdam ko sa mga naririnig mula sa kanya kung kaya't nasampal ko siya.
"Harold, I don't want to argue with you anymore. Please, kung wala ka nang magandang sasabihin, sige na, umalis ka na," mahinahon kong pakiusap. Ngunit hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan at deretso lamang nakatingin sa akin.
I let out a deep sigh. Ayaw kong ma-stress ngayon dahil araw ng kasal ko. Kaya kung hindi pa siya aalis ngayon, ako ang lalabas para iwan na siya.
Kahit na hirap na hirap ay naglakad ako paalis. Walang mangyayari rito kung patuloy ko pa rin siyang kakausapin. Ngunit pipihitin ko pa lamang ang seradura ng pinto nang magsalita ito bigla na siyang ikinatigil ko at ang salita niya ang nag-umpisang gumulo sa aking isipan at sa aking nararamdaman.
"Still think about it, Angelique. Ako na ang lumapit sa 'yo, ang nagmakaawa sa 'yo. I'm doing this for your own good, for your family. So is that really what you want? Is that really your decision? Pakakasalan mo ba talaga siya at pipiliin kaysa sa akin? Choose me, Angelique, I want you to choose me over him. And I will make sure that after this, you will taste the abundance of life."
No! My mind is starting to confuse! Unti-unti akong ginugulo ng mga bagay-bagay ng dahil sa mga sinabi niya. Tila ba ang mga binuo kong desisyon ay unti-unti no'n 'yong sinisira.
Bago pa man mas lalong naguluhan, lumabas na ako mula sa kwartong 'yon at pabalang na isinarado ang pinto. Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang nang sumalubong sa akin ang humahangos na si mama, bakas sa kanyang mukha ang pag-iyak. Mabilis na rumehistro sa akin ang kaguluhan kung ano ang nangyayari sa kanya.
"M-ma, a-ano pong nangyayari sa inyo? B-bakit kayo umiiyak?" nauutal kong pagtatanong habang hawak pa siya sa kanyang braso dahil kulang na lamang ay matumba ito.
Anong nangyayari? Bakit kulang na lamang ay mapaluhod si mama. Hawak pa niya ang kanyang kaliwang dibdib na para bang nahihirapan siyang huminga.
"A-ang papa mo... Ang papa mo, anak... isinugod siya sa hospital." Napasinghap ako sa gulat mula sa balitang natanggap. Bigla ay kumabog nang sobrang bilis ang puso ko ni kahit ang paghinga ko ay hindi ko na maramdaman. Si papa... hindi!
"A-ano pong nangyari? Ano pong nangyari, mama?" parang baliw ko nang tanong rito. Naging sunod-sunod na rin ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa takot na lumukob sa aking dibdib. Parang mas na-blangko ang utak ko ngayon at hindi alam kung ano ang uunahin o iisipin.
"I-inatake siya sa puso, anak—"
"Ma!" Mabilis kong sinalo si mama nang mahimatay ito bigla, ngunit dahil din sa aking panghihina ay bumagsak kaming pareho sa sahig.
"M-ma! Ma! Tulungan niyo kami!" pagsoklolo ko at tuluyan nang napahagulgol.
"Angelique..." Nakita kong lumabas mula sa pinto kung saan ko iniwan si Harold kanina, mabilis itong lumapit sa kinaroronan namin. At kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita niya si mama sa kanyang kalagayan.
"What happened?" He asked worriedly. Ngunit hindi ko na siya nasagot pa dahil iyak lamang ako nang iyak. Binuhat niya na lamang si mama kasama ng mga kalalakihang nagsidatingan.
"K-KUMUSTA ho ang papa ko, doc?" nanginginig ang boses ko nang tanungin ang doctor.
Iniwan ko na muna si mama saglit para lang magpunta ngayon dito sa hospital nang malaman ko kung ano na ang kalagayan ni papa pagkatapos ng nangyari kanina.
"He's already now in ICU," sagot ng doctor.
"A-ayos po ba siya? O ano, doc? Sabihin niyo po sa akin," agarang tanong ko pa.
"Sa kabutihang palad, ayos naman siya. Mabuti't nadala siya rito sa hospital upang maagapan ang nangyari sa kanya." Para akong nakahinga nang maluwag sa sinabing 'yong ng doctor. Halos kanina ay hindi ako makahinga, nanikip ang dibdib ko nang malaman ang nangyari kay papa at ngayon lamang muli lumuwag ang aking pakiramdam.
"But he needs to stay here until he will be totally ok, 3 to 5 days or more, it depends."
Tumango-tango ako sa mga sinabi nito.
"H-hanggang saan naman ho kaya aabot ang gagastusin namin dito sa hospital, doc?" Napalunok ako bigla nang maisip ang magiging bills ni papa.
"It cost a million, miss. Depende rin 'yon sa araw na ilalagi niya rito."
Napakurap ako ng ilang beses, tila nanikip muli ang aking dibdib sa perang kailangan ilaan namin para sa gastos ni papa rito sa hospital. Ni hindi na ako nakapagsalita pa at tuluyan akong nanghina, muntik pa akong natumba kung hindi lamang nakaalalay sa likod ko si Harold. Napaupo na lamang ako sa waiting chair nang magpaalam na ang doctor sa amin.
"Are you ok?" Tinignan ko si Harold sa aking tabi habang hinahagod niya ang aking likod.
Mapait akong ngumiti at tumango. "I-I don't know, Harold... Hindi ko alam, hindi ko alam... S-saan ko kukuhanin ang gano'ng kalaking halaga? Saan?" Sinapo ko ang aking mukha at pagkatapos ay doon umiyak. Naramdaman ko naman ang pagpalupot ng kamay ni Harold sa aking balikat, niyakap niya ako at sinusubukang patahanin.
"Angelique, I'm here... Akong bahala sa lahat... Akong bahala sa lahat ng gastos. Hindi mo kailangang mag-alala dahil hindi ko kayo pababayaan ng pamilya mo."
Tumigil ako sa pagtangis ko at hinarap si Harold. At unti-unti akong umiling sa kanya, hindi pabor sa gusto niya.
"H-hindi, Harold, hindi. Ayokong makaabala sa 'yo—"
"No, Angelique, hindi ka abala sa akin, ok? Basta ay pumayag ka lang sa kondisyon ko. Simple lang ang hihilingin ko sa 'yo,"
"A-anong kondisyon?" naguguluhan ako.