Chapter 9

1413 Words
"Iwan mo na si Noah, Angelique. Ako na lang. Tayo na lang. Sumama ka na lang sa akin, kayo ng pamilya mo. I promise, I will take care of you and your family. Ilalagay ko kayo sa maayos na buhay, hindi 'yong kailangan niyo pang maghirap. Pangako, ibibigay ko sa 'yo ang buhay na pinapangarap mo, ang buhay na gusto mo noon pa man. Sumama ka lang sa akin, asahan mong ligtas ang magiging buhay niyo sa akin. Pangako ko 'yan." Unti-unti akong napaatras sa mga sinabi ni Harold. Isa-isa kong prinoseso sa utak ko ang lahat ng sinabi niya, ang alok niya. At mas lalong naging magulo ang pag-iisip ko nang maalala ang kasal naming dalawa ni Noah, hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong naghihintay na siya sa akin ngayon. Ngunit wala man lang din siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa amin, ni kamag-anak namin ay hindi ko pa naibabalita sa kanila ang nangyari. Napahawak na lamang ako sa ulo ko at wala sa sariling naglakad. Hindi ko na alam pa kung ano ang uunahin o iisipin ko. Gulong-gulo na ako ngayon. Naramdaman ko ang paghabol sa akin ni Harold at iniharap ako sa kanya. Doon ako bumalik sa huwisyo nang muli pa siyang magsalita. "Angelique, listen to me, isipin mo ang pamilya mo, para sa kanila 'tong lahat kapag sa akin ka sumama. Kapag ako ang pinili mo, kapag iniwan mo si Noah at tuluyan na siyang kinalimutan, I will make sure to you that everything will be fine after. 'Yong buhay niyo, magiging maayos at maibibigay mo na sa pamilya mo ang pangarap na gusto mo para sa kanila. Hindi mo na kailangang magtrabaho, wala kang ibang gagawin kung hindi ang sumama sa akin at mabubuhay tayo nang matiwasay," mahabang lintanya niya. Kasaganaan, kaayusan, naalala kong muli ang mga 'yon. 'Yon ang pangarap na una kong binuo, para sa akin at para sa pamilya ko. Kapag sumama ako kay Harold, hindi lamang buhay ko ang maaayos kung hindi na rin ang buhay ng pamilya ko. Tila ba nag-flashback muli sa utak ko ang mga pangako ko noon sa sarili ko, na magtatapos ako ng pag-aaral para hanapin ang oportunidad sa ibang bansa at pagkatapos ay hanapin ang lalaki na siyang makakatulong din sa akin na mag-aangat sa akin sa hirap. Ngunit ang simpleng alok pa lamang ni Harold ngayon ay mas maganda pa kaysa sa naisip ko, mas maganda pa kaysa sa mga napagplanuhan ko, dahil kung siya ang pipiliin ko, hindi ko na kailangan pang pumunta ng ibang bansa dahil mayaman na man na siya. Ibig sabihin ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho para mabuhay dahil kapag naging mag-asawa na kaming dalawa ay akin na rin ang kung anong mayroon siya. Ito na ba, ito na nga ba ang tamang sagot sa mga 'yon? Si Harold na nga ba ang sagot— hindi! Angelique, paano si Noah? Ngunit paano ang pamilya ko? Kapag tuluyan akong um-oo, pumayag at sumama kay Harold, sigurado ang magiging buhay namin sa kanya. Si Noah, anong magiging buhay ko sa kanya? Gusto kong malinawan ngayon sa lahat ng bagay-bagay dahil tuluyang nalunod ang isipan ko sa mga bagay na hindi ko alam kung tama ba ang mga nabubuo kong desisyon para roon. Miski ang puso at isip ko ay nagtatalo, ngunit nangingibabaw ang isinisigaw ng isip ko at 'yon ay huwag sumipot sa kasal, huwag 'tong ipaalam kay Noah at basta na lamang siya iwan at tuluyan na lamang na sumama kay Harold. LIMANG araw na ang nakakalipas nang inilipat sa ibang hospital si papa. Minarapat namin ni Harold na mamalagi kami sandali mula sa malayong hospital para walang Noah na makakita o makahanap sa aming kinalalagyan. Oo... tinanggap ko ang alok ni Harold at tuluyang hindi sinipot si Noah sa mismong kasal naming dalawa. Hindi ko alam kung paano't ang bilis ng lahat at tila ba sa isang pitik lang ay ang dami ng nangyari. Walang nakakaalam na kamag-anak o kakilala miski na si Noah kung ano ang nangyari sa mga magulang ko nang araw na 'yon, kaya sigurado ako na lahat sila ay litong-lito kung bakit ni isa man sa amin ay walang nagpakita o sumipot sa simbahan nang araw na 'yon. I felt guilty, every day. At tila pinapatay ang puso ko dahil alam ko sa sarili kong may parte sa akin na hindi ko gusto ang desisyong ginawa pero... pero kailangan. Kailangan mamili, at pinili ko ang kaayusan para sa pamilya ko kaysa ang pag-ibig na panghabang buhay sa piling ni Noah. Wala na akong naging balita pa kung ano ang nangyari kay Noah o sa kasal, ngunit alam kong malaking gulo ang ginawa ko, malaking kahihiyan ang idinulot ko kay Noah at sa pamilya niya. At alam ko ring nag-iwan ako ng sakit sa puso niya na siyang sigurado ako na hindi 'yon mabubura ng gano'n-gano'n kadali at basta-basta. Ngunit nandiyan na si Harold, eh, pagpatol ko na lamang ang kailangan para sa ikabubuti ni papa at ng buhay namin. Hindi ko na 'yon kayang sayangin pa. Alam kong naging makasarili ako, na miski si mama ay nagalit sa akin, galit na galit siya sa ginawa ko, galit na galit ito sa kung bakit o ano raw ang ginawa kong desisyon? "Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo at hindi mo man lang ipinaalam kay Noah ang nangyari at basta mo na lang siyang iniwan ng gano'n!" Nanatili akong nakayuko, tulala at ramdam ang pagtulo ng aking mga luha habang tinatanggap ang galit ni mama. Galit na galit ito sa mga ginawa kong desisyon, hindi niya matanggap na pinili ko si Harold. "Diyos ko, anak! Pinili mo? Pinili mo nang gano'n-gano'n lang kadali 'yong lalaking 'yon? Nang gano'n kabilis at iniwan mo si Noah nang gano'n-ganon lang din?" hindi siya makapaniwala. 'Yon kasi ang unang bumungad ko sa kanya nang magpunta siya sa hospital nang araw na maatake si papa. Gulat siya at naguluhan sa mga padalos-dalos kong desisyon. "M-ma, k-kailangan natin ng tulong ni Harold, lalo na ngayon na nandito si papa sa hospital. Saka, i-inisip ko lamang po kayo ni papa, ang buhay ninyo, ang buhay natin. Mas naisip kong mas magiging magaan ang buhay natin kung si Harold ang pililiin ko—" "Harold, Harold, Harold! Diyos ko, anak! Ni hindi nga namin 'yan lubos na kilala, eh! Tapos bigla-bigla ay sasabihin mo na lang sa akin na hindi mo na itutuloy ang kasal kay Noah at hindi ka na magpapakita pa sa kanya dahil kay Harold ka sasama?" Kita ko ang frustration ni mama. Galit at inis ang nararamdaman niya para sa akin, alam ko. Maling-mali, alam kong maling-mali. Pero masisisi ba nila ako kung hangad ko lamang naman ay mapabuti sila? Nandito na 'to, nangyari na ang lahat ng mga nangyari, nakapagdesisyon na ako. At hindi ko na maibabalik pa ang mga nasabi ko at mas lalong hindi na ako puwedeng umatras pa dahil kaya ko nga ginawa ito ay para sa kanila. Wala, wala na akong makapitan pa kung kaya't si Harold na lamang ang tangi kong alam na makakatulong sa amin, sa gastusin ni papa at sa magiging buhay naming pamilya. Kahit mahirap, kahit masakit, kahit may kirot, pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Noah. Pinipilit kong ibaon 'yon sa limot at tuluyan siyang burahin sa aking ala-ala. Oo, walang kapatawaran ang ginawa ko at hindi ko alam kung ano na ba ang nangyari kay Noah pagkatapos ng ginawa kong hindi pagsulpot sa kanya sa kasal. "I-I'm sorry, ma... I'm sorry... Pero mas pipiliin ko ang kabutihan ninyo ni papa kaysa piliin ang... piliin ang kaligayahan ko." I made unforgivable decision, I just left him like that, without explaining, without any reason, and without goodbye. I really love Noah but I love my dreams too. And I had no choice but to chose Harold because I know that he is the only person who can help my family in this time of trouble, in this situation, and in our big problem right now... He is the only way to reach my dreams too, for me and for my family. Patawarin mo ako, Noah. Pero kailangan kong gawin 'to para sa pamilya ko, kailangan kong gawin 'to para sa kinabukasan nila, para sa kaayusan ng buhay namin. Masakit man pero... pero kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa 'yo, ang pagmamahal ko para sa 'yo nang hindi na ako no'n tuluyan pang guluhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD