Chapter 3: The Beginning

2140 Words
"Congratulations, anak! Isang taon na lang, magiging teacher ka na!" masayang wika sa akin nina mama at papa nang matapos nila akong yakapin. Isang malapad na ngiti ang iginawad ko sa kanila habang kitang-kita ko pa rin ang bakas ng pagka-galak at pagka-proud nila sa akin dahil nakapasa ako ngayong 3rd year college. "Thank you po, ma, pa," nakangiting sambit ko. Labis ang saya sa dibdib ko ngayon dahil ang puspusang pag-aaral ko ay hindi nasayang. Akala ko nga ay hindi na ako makakapasa pa dahil ang hirap-hirap na gawin 'yon, pero mabuti na lang, sa awa ng Diyos ay nairaos kong muli ang isang taon. At kaya ko binalak na kuhanin ang pagiging isang guro ay dahil gusto kong ituloy ang pagiging teacher ni mama. Retired teacher na siya, ng dahil kasi sa malubhang sakit niya noon kung kaya't natigil siya sa kanyang pagtatrabaho. "Sabi ko na nga ba, eh, at makakapasa ka, Angelique! Ang galing-galing talaga ng anak natin, Leticia!" masayang saad ni papa kay mama. Natuwa naman ako sa papuri niya at sa kung gaano siya ka-proud sa akin. "Oo naman po, 'no!" pabirong pagmamayabang ko. "Eh, kanino pa po ba kasi ako magmamana?" pagtukoy ko sa kanila na siyang ikinahalaklak nilang dalawa. Nagtawanan kami sa saya. "Hayaan mo, anak, pagbubutihan din ni papa ang pagtatrabaho para matustusan ko ang mga gastusin mo sa pag-aaral mo hanggang sa makatapos ka." Naitikom ko ang bibig ko sa sinabi ni papa. Parang hinaplos ang puso ko sa mga sandaling 'yon. Unti-unti akong lumapit sa kanya at inakbayan siya. "Salamat po, papa. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako ngayon dito," sabi ko saka isinandal ang ulo sa kanyang balikat, tinapped lang niya ang ulo ko. Ako na yata ang pinaka maswerteng anak sa buong mundo dahil binigyan ako ng ganitong mga magulang, may mapagmahal akong ina at may responsable akong ama. "Pero papa, saka niyo na lamang po ako bigyan kapag kinailangan ko. Ayoko naman pong lagi't laging maging dagdag pasanin sa inyo ni mama, may naitatabi naman po ako sa mga kinikita ko," paalala ko sa kanya. May iba't ibang raket kasi ako, sa hirap ng buhay, hindi puwedeng mag-relax relax ka lang diyan sa isang tabi at mas lalong hindi para sa isang tulad ko ang bagay na 'yon. Marami akong pangarap sa buhay, may pangarap ako para sa mga magulang ko at may pangarap ako para sa sarili ko kaya hindi ako puwedeng magpa-petiks petiks lang. Kaya naman talaga kapag may mga ipapagawang assignments o kaya nama'y projects ang mga kakilala ko na nasa highschool, pinapatos ko talaga agad. Kahit anong puwedeng mapagkakitaan, go na go ako basta lang ay kumita na siyang makakatulong sa akin dagdag gastos sa pag-aaral ko. "Aba'y hindi na ako aangal pa riyan." Bumuntong hininga siya. Alam kong ayaw na niyang makipag-argumento pa dahil alam niyang ako rin ang mananalo pagkatapos no'n. Lihim na lamang akong natawa sa bagay na 'yon. Ayaw kasi nina mama't papa na rumaraket-raket ako, kaya pa naman daw nila kung kaya't hindi ko naman 'yon kailangang gawin. Ang gusto nila ay mag-pokus na lamang ako sa pag-aaral ko at hindi muna suma-sideline sideline sa mga kung ano-anong trabaho o puwedeng mapagkakitaan. Pero dahil sa mapilit talaga ako ay wala na silang nagawa pa kung hindi ang hayaan ako sa gusto ko. "Basta, anak, ang pag-aaral pa rin ang asikasuhin, ha, bago ang lahat?" mungkahi ni mama. Ngumiti ako. "Oo naman po," pagsisigurado ko. "Huwag po kayong mag-alala, ma, pa, gagalingan ko pa. Gusto ko kayong iangat sa hirap ni papa kaya pagbubutihin ko sa pag-aaral. Magsusumikap ako lalo para makakuha ng bachelor's degree at maging isang ganap na professional teacher sa States. At pagkatapos no'n, makakaipon na ako at matutulungan ko na kayo." Planadong-planado na lahat ng goals ko sa buhay, at unang-una na nga roon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at pumunta ng ibang bansa pagkatapos upang doon hanapin ang malaking oportunidad. Pangalawa at panghuli, kapag naging stable na ang lahat, sa abot ng makakaya ko ay iaangat ko sa hirap ang mga magulang ko dahil 'yon din naman talaga ang pinaka-goal ko noon pa man. "Angelique!" Mabilis na napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. At nakita ko nga sa 'di kalayuan si Noah. Hindi ko alam pero nang mga oras na 'yon ay naging malapad ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin. Nagpaalam ako saglit kina mama upang salubungin siya. Nang tumango sila ay agad ko siyang nilapitan. At yayakapin ko na sana siya at handa na rin niya akong yakapin nang humarang sa pagitan namin si Lucio at siya ang yumakap sa akin, kaibigan namin ni Noah. "Woah! Ang galing mo talaga, idol ka talaga, Angelique! Congratulations! Ang galing-galing mo!" Sandali akong hindi nakagalaw. Nahati ang ngiti ko at napaikot ng mga mata sa pagyakap sa akin ng kaibigan. Lagi talagang panira ng eksena 'tong lalaking 'to. Napailing na lamang ako at natawa. "Bitiwan mo nga ang girlfriend ko!" Inilayo ako ni Noah kay Lucio habang masama niya itong tinitignan. Napakamot na lamang ng ulo si Lucio at tuluyang dumistansya sa aming dalawa. "Yakap lang, eh," mahinang maktol pa niya habang nagkakamot ulo. "Tsk! Uunahan mo pa ako! Ako ang boyfriend, hindi ikaw!" paglilinaw ni Noah, mahihimigan ko pa sa kanyang boses na punong-puno ng pagseselos ang kanyang pagsasalita. Hindi tuloy mawala ang ngiti ko habang pinapanood sila. "Bahala nga kayo riyan." Iniwan na kami ni Lucio saka ito nagtungo sa kinaroronan nina mama't papa. Naging maaliwalas naman ang mukha ni Noah nang maiwan na kaming dalawa, hindi na magkasalubong ang mga kilay niya ngayon at nakangiti na siya sa akin. "Congratulations." Hinalikan niya ang noo ko saka yumakap sa akin nang sobrang higpit animong ilang araw kaming hindi nagkita. "You did a great job, baby." Hindi ko alam pero habang magkayakap kami ay hindi ko maitago ang ngiti ko sa kanyang sinabi o sa kanyang pagtawag sa akin. Mabilis na rumehistro ang saya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng mga paro-paro ko sa aking tiyan. Alam kong pinamulahan ako sa pagtawag niya sa akin sa endearment na 'yon at hindi ko 'yon magawang itago kaya naman ay sumiksik na lamang ako sa dibdib niya upang hindi niya makita ang kung ano ang nagiging reaksyon ko sa tuwing lalabas 'yon mula sa bibig niya. "Salamat... Akala ko, hindi ka darating?" pagtatanong ko. Alam ko kasing busy siya sa pag-aaral niya sa law school, at ilang minuto rin ang layo ng swkelahan niya sa skwelahan ko. Masaya ako na nandito siya pero ayaw ko namang makaabala kung may ginagawa siya. "Puwede bang wala ako?" patanong niyang sagot. Napaisip tuloy ako sa kanyang sinabi, kailan nga ba siya nawala sa mga maliliit o malalaki man na achievement sa buhay ko? At wala naman nga akong matandaan na hindi siya sumipot dahil lagi siyang nandoon para i-congratulate ako. Simula nang maging kami last year, kahit gaano rin siya ka-busy ay hindi nawawala ang oras niya para sa akin. Lagi niyang sinisigurado na nababalanse niya ang oras niya sa akin at sa pag-aaral niya. Pero lagi kong pinapaalala sa kanya na hindi niya ako kailangang isipin o unahin. Bago kasi ako pumasok sa relasyon naming 'to ay alam ko nang sa sarili kong hindi ako gano'n magseseryoso dahil mas priority ko ang pagpapayaman para matulungan ang mga magulang ko pero siya, parang seryosong-seryoso siya sa akin. Ayaw ko pa muna kasing mag-settle, marami pa akong pangarap para sa pamilya ko. At isa pa, hindi ko naman kasi alam kung magiging kami ba talaga hanggang dulo. Sinagot ko lang siya dahil, wala lang? Hindi ko rin alam sa sarili ko. Marami pa akong kailangang unahin at isipin kaysa sa kanya. Nage-enjoy ako, oo, nakakaramdam din naman ako ng saya kapag kasama siya pero, lagi ko pa ring pinaaalahanan ang sarili na huwag masyadong mahulog. Ang mga tulad kasi niya ay hindi ko naman talaga pinangarap, dahil ang hangad ko noon pa man ay makahanap ako ng isang mayamang lalaki na siyang makakatulong din sa akin para umangat ako sa kahirapan. Pero hindi ko talaga alam kung ba't napa-oo niya ako. At hindi ko rin ine-expect na aabot kami ng isang taon, pero sigurado ako na magsasawa rin siya sa akin at iiwan ako kung kaya't hindi ko masyadong sineseryoso ang lahat. Malay ko ba kung sa susunod na taon ay hindi na kami, hindi ba? Ako 'yong taong chill lang sa relasyon na 'to. At aaminin kong hindi naman din siya 'yong taong nakikita ko na makakasama ko hanggang dulo, sa madaling salita ay hindi siya kasama sa mga plano ko, ewan ko lang sa kanya. May plano ako na satingin ko kasi ay 'yon ang mas maganda at makakabuti para sa akin at sa pamilya ko. Mahirap ang buhay, mahirap na nga kami pagkatapos ay magse-settle pa ako sa mahirap lamang din na tulad niya? Ni hindi ko nga alam kung yayaman ba siya riyan sa paga-abogado niya, eh. Hindi sa hinuhusgahan ko siya pero nagiging practical lamang ako sa buhay ko. Sayang naman din ang talino ko kung hindi ko gagamitin sa magandang bagay. Kaya nang maging kami, hindi ko inisip na sa kanya ang bagsak ko. Paano na lamang kung naging abogado nga siya? Baka araw-araw ay patayin kami ng death threats ng mga nakakalaban niya sa korte. Na kung titignan ay napaka-gulo ng mundong pinapasok niya at ayaw ko no'n. Gusto ko, tahimik lamang ang buhay ko. At mas lalong hindi naman gano'n ang buhay na pinapangarap ko. Ang gusto ko, mabuhay ako nang matiwasay at nakukuha ang gusto sa isang pitik lang. Kaya alam ko, may mas batter pa sa kanya. Siguro, kung kaya't pumasok ako sa relasyon na 'to ay para malibang lamang sandali, oo, 'yon lamang nga siguro. Dahil simula't sapul, wala naman talaga sa plano ko ang ibigin siya nang wagas o ang seryosohin siya. Bata pa kami, alam kong may mas mahahanap pa ako nang mas better sa kanya. Pero sa ngayon, nag-aaral pa naman ako, wala pa naman akong kailangang isipin sa relasyon naming dalawa. Hindi ko kailangang mag-alala dahil mas nakatuon ang isip ko sa mga prioridad ko sa buhay. Kaya kung mawala man siya o maghiwalay kami, satingin ko ay hindi ko naman dadamdamin, na ayos lamang sa akin dahil una pa lang naman, alam ko na sa sarili kong panandalian lamang lahat ng ito. Wala akong dapat seryosohin dahil ang mas mahalaga sa akin, 'yong makakatuwang ko sa buhay ay magbibigay sa akin nang kasaganaan at hindi paghihirap. Practicality is more than important than your want, than your needs, what I mean, being practical is more than important than love. 'Yon ang pananaw ko. Hindi ka naman kasi mapapakain ng pagmamahal na 'yan, para sa akin ay mas maganda na gamitin ang utak kaysa puso. Dahil saka ka lamang ba magsisisi kapag asin at toyo na lamang ang inuulam niyo? Kaya gusto kong matawa sa bagay na 'yon. Kaya hindi rin ako magiging hipokrita rito dahil mas gusto kong mag-settle doon sa taong bubuhayin ako kaysa roon sa taong gulo at paghihirap lamang ang ibibigay sa 'yo. Kaya oo, mas gusto kong makahanap ng lalaking mabibigyan ako ng magandang buhay hindi tulad niya... hindi tulad ni Noah, na satingin ko ay kailaman ay hindi magiging maayos ang buhay ko sa piling niya. Lawyer, huh? I don't think so. Pero naalala ko tuloy bigla kung ano ang rason niya nang tanungin ko siya kung bakit pinili niyang mag abogado. "Hindi ba nakakatakot maging lawyer? Araw-araw, may threats kang matatanggap. Bakit ka ba kasi maga-abogado?" tanong ko kay Noah dala ng kuryosidad. "Hmm... Dati, wala lang. Parang gusto ko lang dahil may thrill," paliwanag niya. "Pero nang makilala kita." Nilapitan niya ako pagkatapos ay inilagay ang mga kamay niya sa aking pisngi. "Nang makilala kita, nagkaroon ako nang mas magandang rason," pagpapatuloy pa niya. "Ano naman 'yon?" kunot-noong tanong ko. Ako? Nang makilala niya ako? Hinintay ko pa ang sunod niyang sasabihin dahil mas lalo akong na-curious kung ano ang dahilan niya kung bakit niya napiling maging lawyer. "Maga-abogado ako kasi ipagtatanggol kita." Natawa ako bigla sa sagot niya. "Ipagtatanggol? Saan? Kaya ko sarili ko, 'no!" confident kong sinabi. Ngumuso siya. "Hindi ka naniniwala? Seryoso kaya ako." Tumigil ako sa pagtawa at tinaasan siya ng kilay. "At bakit naman? Wala namang mananakit sa akin, eh." At kung mayroon man, lalabanan ko sila. Kahit naman mahina ako, hindi naman ako nagpapatalo. "At kapag nagkataong mayroon, kahit saang korte, ipaglalaban kita," seryosong saad niya. Hindi nga siya nagbibiro, ako lang ang nag-isip na hindi siya seryoso roon. "Talaga? Sabi mo 'yan, ha?" "Kahit ano pang kaso, saan mang korte, ano mang panahon, lagi mong tatandaan, Angelique... hindi kita pababayaan, ipagtatanggol kita sa lahat kasi mahal na mahal kita..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD