Chapter 2

2189 Words
"Ah!" hiyaw ko nang kasabay ng pagkuha niya sa akin no'ng kutsilyo ay siya ring daplis ng kamay ko roon kaya naman nag-umpisang lumabas ang dugo. "Ano ka ngayon, hmm?" punong-puno ng tiwala sa kanyang sarili niyang saad. "Kung hindi naman pala kita makukuha, mas maganda sigurong... patayin na lamang kita, hindi ba?" nakakalokong dugtong pa niya. Nahihirapan kong nilunok ang sariling laway nang sa akin naman nakatutok ang kutsilyo ngayon. Halos hindi ko na maramdaman pa kung humihinga pa ba ako o hindi na. Katapusan ko na ba? I know, he will kill me after this. Hindi naman niya ako hahayaan na tumakas na lang dala ang baho niya na siyang sisira sa reputasyon niya. He can do anything and everything just to protect his name in the industry! Diyos ko, paano ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon? "Alam kong sisirain mo ako, kaya uunahan na kita para hindi ka na makapagsalita pa!" gigil niyang sinabi. Saka na niya itinaas ang kanyang kanang kamay at handa nang itarak sa akin ang kutsilyong hawak. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat, pero mabuti na lang at naunahan ko siya. Bago pa man niya naibaon sa akin ang matalim na bagay na 'yon ay nakakuha na ako ng ibang kutsilyo saka 'yon isinaksak sa tagiliran niya. "H-hayop... hayop ka!" putol-putol niyang sinabi habang tumutulo na ang dugo sa kanyang bibig. Mas ibinaon ko naman ang kutsilyo sa kanya. At pagkatapos no'n ay napaluhod na nga siya dahil sa panghihina. Habol ko ang aking hininga nang nakahandusay na siya sa sahig at wala nang malay. At doon ako natauhan nang makita siyang nakapikit na habang dumadanak ang kanyang dugo sa buong tiles. "A-anong... a-anong ginawa ko?" parang baliw na tanong ko sa sarili. Lumipat naman ang aking tingin sa aking kamay, hawak ko pa rin ang kutsilyo at puno ng dugo 'yon. Napasinghap ako at mabilis na binitawan ang hawak. Para akong baliw na umiling-iling habang nakatingin sa katawan ni Harold. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at tinignan kung humihinga pa ba siya. Nang i-check ko ang kanyang palapulsuhan, wala na akong maramdaman na t***k doon kaya naman takot akong tumayo at muntik pa akong matumba nang makumpirmang patay na nga siya. Natutop ko lamang ang aking bibig habang umiiyak at nakatingin sa kanya. "H-hindi! H-hindi ko sinasadya," pangungumbinsi ko sa sarili. Pinagtanggol ko lamang ang sarili ko sa kanya. Oo, nasabi kong kaya kong itarak sa kanya 'yon pero hindi ko gagawin. And now, I know I just protected myself from him. Kung hindi ko ginawa 'yon, kung hindi ko siya inunahan, ako ang papatayin niya! Ako ang mamamatay! Yes! I just protected myself, iyon 'yon! Self defense ang ginawa ko! Hindi ko ginusto na gawin 'yon, but I need to do it to save myself! Pero, anong mangyayari ngayon? Anong mangyayari sa akin? Anong gagawin ko sa katawan ni Harold? Tatawag ako ng police— NO, Angelique! Ikaw ang magmumukhang masama kapag ginawa mo 'yon! Malakas si Harold sa lahat, kaya kahit na patay na siya ngayon ay pwede pa rin siyang magmukhang mabuti. Pwede pa ring bumaligtad ang nangyari! After all, ikaw ang lalabas na masama dahil napatay mo siya kahit pa na pinagtanggol mo lamang ang sarili mo mula sa kapahamakan. Ikukulong ka nila. Alam mo ang kaya nilang gawin. Lalo na ang mga magulang ni Harold, siguradong hindi nila matatanggap ang nangyari sa anak nila kapag nalaman pa nilang ikaw pa ang involve sa nangyari. I'm sure, they will do everything just to get the justice kahit pa mali. Kahit pa ipaliwanag mo na ang may kasalanan talaga ay si Harold! Napakagat na lamang ako sa aking labi at napaluhod sa floor. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya, naaawa na nangangalaiti ako sa galit para sa kanya. Ayaw ko rin namang pumatay! Ayokong maging mamamatay tao! Ayokong maging masama katulad niya! Pero, kung hindi ko pinagtanggol ang sarili ko buhay pa kaya ako ngayon? Humihinga pa ba ako ngayon? Makikita ko pa kaya no'n muli ang mga magulang ko? Siguro ay hindi na. Hindi ko na magagawa 'yon kapag tuluyan ko nang nilisan ang mundo nang dahil sa kagagawan ni Harold! Maganda nang makulong na lamang ako kaysa ang mamatay! Ngunit, handa ba akong mabilanggo sa loob ng selda? Handa ko bang harapin ang bagay na 'yon kahit pa wala naman akong ginawang masama? Mapagtanggol ko rin kaya ang sarili sa korte gaya ng pagprotekta ko sa aking sarili kanina? Makuha ko kaya ang hustisya laban sa dating nobyo? Maipaglaban ko kaya? "Son?" mabilis na nabaling ang aking tingin sa pinto nang marinig ang boses na 'yon. It's tita Rachel's voice! Bakit nandito ang mama niya? Anong gagawin ko? May dapat ba akong gawin? Kailangan ko bang matakot? Hindi, Angelique! Wala kang ginawang masama! Ikaw ang inabuso rito kaya wala kang dapat ipangamba! Si Harold ang may kasalanan, he provoked you kaya siya nauwi sa gano'ng bagay! You just defended yourself! You don't need to be scared! Bahala na kung anong mangyari, lalaban ako para malinis ang pangalan ko! Hindi ako dapat na matakot! Tatayo pa lamang sana ako para lumapit doon nang hindi na natuloy dahil bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang masayang mukha ng mga magulang ni Harold. Pero ang masayang mukha na 'yon ay mabilis na napalitan ng gulat nang magawi ang kanilang mga tingin sa anak nilang nakahandusay sa sahig. "S-son?" pareho pa nilang sabi na mag-asawa. Nabitawan pa ni tita Rachel ang bag niya. Ang ama naman nito ay muntik nang matumba kung hindi lang siya napakapit sa pintuan. "Harold!" sigaw ng ina niya saka mabilis na tumakbo patungo sa kinaroronan ng kanilang anak. Nakita ko ang panginginig sa buong katawan ni Tita Rachel habang nasa bisig na niya ang anak. "A-anong nangyari?" galit niyang tanong ng bumaling sa akin. Takot ko siyang tinignan at hindi agad nakasagot dahil sa panginginig ng aking buong katawan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Para bang ang hirap paniwalaan at ayaw kong paniwalaan! "Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa anak namin?!" Naramdaman ko ang hapdi sa aking pisngi, sinampal pala ako ng ama ni Harold nang hindi ko namamalayan. I'm shocked in everything that's why I didn't notice that he walks towards me and grabbed my hand just to slap me. "W-wala po akong kasalanan! Pinagtanggol ko lamang ang sarili ko!" dipensa ko. "G-gusto niya akong pagsamantalahin! At balak niya rin akong patayin! P-pinagtanggol at niligtas ko lamang ang sarili ko mula sa anak ninyo kaya nangyari sa kanya 'yan!" matapang kong sinabi. Alam ng Diyos na hindi ko ginusto 'yon. Alam niya ang nangyari! Alam niya ang lahat! Inosente ako! Wala akong inagrabyado! Wala akong nilamangan! Si Harold, siya ang umabuso sa akin! Siya ang nanakit! Siya ang gumawa sa akin nang masama! "Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang anak ko!" Tumayo si Tita Rachel at sinugod ako ng sampal, at hindi lang isang beses kung hindi paulit-ulit. Nalasahan ko na lamang ang kalawang sa aking bibig na ang ibig sabihin ay pumutok ang aking labi kung kaya't dumugo 'yon. "T-tama na po!" Iniharang ko ang aking mga braso sa kanya para hindi niya masaktan. Kapagkuwan ay hinila na siya ng asawa kung kaya't wala na siya sa aking ibabaw. Inayos ko naman ang aking sira-sira nang damit. Tinakpan ko na lamang ang aking dibdib gamit ang aking mga kamay, pinag-krus ko ang mga 'yon. Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko na ang tunog ng sasakyan ng police. Mas lalo akong naalarma sa kaba. What should I do now? I need to be brave. Malinis ako! Wala akong ginawang masama! I don't need to be scared kung huhulihin man nila ako. Ngunit ilang beses ko mang kumbinsihin ang sarili na kumalma, nandoon pa rin ang kaba, hindi 'yon mawala-wala. "Bilisan niyo! Kunin niyo siya! Sa presinto tayo magharap-harap!" utos ng ama ni Harold sa mga police na nagsidatingan. At kilala ko rin ang mga police na 'yon, kamag-anak nila ang iba ro'n. Ipinapanalangin ko na lamang sa Diyos na maging patas ang korte dahil sigurado ako na lalaban talaga ang kabilang panig kahit alam na nilang wala akong ginawang masama. Pero may laban nga ba ako? Wala akong witness. Anong maibibigay kong ibidensya? Wala rin akong abodago! Mahirap lamang ako! May laban ba ako? Kung titignan nga ang nangyari, mas ako ang magigipit! Mas ako ang madidiin! Dalawa ang ang humawak sa aking magkabilang braso at itinayo na ako. Ilang beses kong gustong kumawala, pero sadyang malakas sila. Hinila nila ako hanggang sa labas at padarag na isinakay sa sasakyan. Hindi gawain ng isang police 'yon! I know they used their sources! Porke alam nilang mas mataas sila, porke alam nilang mas may kaya sila, porke alam nilang mas malalabanan nila ako, tatratuhin nila ako ng gano'n?! Nasaan ang hustisya? Nag-aral naman siguro sila, dapat alam nila ang tama at mali. At mali na basta na lang nila ako hulihin dahil inosente ako! Pinosasan na lamang nila ako basta nang walang warrant of arrest! Basta na lamang nila ako kinuha! "Wala akong kasalanan! Pakawalan niyo ako! Inosente ako! Pinagtanggol ko lamang ang sarili ko dahil gusto niya akong gahasahin!" paliwanag ko sa kanila, pero parang dumaan lamang ang sinabi ko sa kanilang mga tenga. Ayaw nilang makinig sa aking paliwanag, para ngang wala silang naririnig! Halos mapaos na ako sa kakasalita, pero hindi nila ako pinapansin! "Sa presinto ka na magpaliwanag, Miss," sabi no'ng isang police. Ito ang masakit, porke mahirap ka, tatapak-tapakan ka na nila. Dahil alam nilang mahina ka, 'yon ang gagamitin nila para malamangan ka. Bakit ba ako napabilang sa miyembro ng pamilya ni Harold?! Mga hayop silang lahat! Tatapalan ang katotohanan para hindi makuha ang hustisya, dahil gusto nila sila ang manalo kahit alam na nilang walang tama sa mga ginagawa nila! Nang makarating kami sa presinto, hindi ko inaasahan na may mga reporters doon na pinagkakaguluhan ang kung ano sa iba. At tulad ng inaasahan ko, nagawi ang kanilang atensyon sa akin nang makita ako at roon sila nagsibilisang lumapit sa akin. Hindi pa man nga kami nakakapasok ay dinumog na ako sa labas. Alam kasi nilang ako ang nobya ni Harold, kaya siguradong makakatanggap ako ng samot-saring mga tanong kung ano ang ginagawa ko rito at kung ano ang nangyari. "Miss. Gonzalez, hindi ba'y ikaw ang fiancee ni Mayor Harold Buenaventura? Paano't narito ka sa presinto at nakaposas?" tanong no'ng isang reporter. Saka na no'n sumunod na nagtanong ang iba pa. "Oo nga, may kaso ka ba? Puno ka ng dugo, ikaw ba ay nakapatay?" Sa tanong 'yon, marami ang nagbulungan. Marami rin gustong makalapit pa lalo sa akin, pero nakaharang naman ang mga pulis kung kaya't hindi sila tuluyang makalapit. Napayuko na lamang ako habang pinapakinggan ang ingay sa paligid. Para na akong masisiraan ng ulo sa mga naririnig. Sigurado ako na exposed na rin ang mukha ko, ang itsura ko sa tv nang mga sandaling 'yon dahil may mga nagbabalita pa. Siguradong laman na ako ng social media sa mga oras na 'to. Siguradong kalat na ang mga litrato ko at ang itsura ko ngayon sa lahat. Sigurado rin akong hindi mawawala ang mga mapanghusgang salita ng mga tao kahit pa wala pa naman silang alam! Speculation will spread after this. "Inosente ako!" I convinced myself again. "Anong kaso mo, Miss?" "Maari mo bang sabihin sa amin ang kaso mo, Miss?" Wala, wala akong kaso dahil wala akong kasalanan. Inosente ako... Inosente ako. Gusto ko sana 'yong sabihin sa kanilang lahat, ngunit ayoko rin namang magpaliwanag sa mga taong hindi ako iintindinhin. Alam kong walang maniniwala sa akin kahit pa mag-explain ako nang paulit-ulit. "Alis na!" "Tama na 'yan!" Patuloy sa pagbabawal ang ibang mga pulis para tuluyan na kaming makadaan papasok ng prisinto. Hanggang sa nakapasok na nga kami sa loob pagkaraan ng ilang minuto. Akala ko ay hindi na kami makaka-alis doon dahil dumami pa lalo ang mga tao na nakisyoso. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak. I feel like I'm alone. Walang kasama, walang kakampi, walang naniniwala. Walang gustong makinig sa akin! How can I explain my side? How can I say my explanation if no one else wants to listen to my statement? They're just ignoring my words! And the way they looked at me, like they're judging that I really make something! "Anong kaso ng fiancee ni Mr. Buenaventura?" rinig kong tanong no'ng isang police sa may hawak sa akin kanina. Kilala nila akong lahat kaya hindi na ako dapat magtaka pa. Fiancee ako ng isang politiko kaya kilalang-kilala talaga ako sa media. "Homicide," sagot niya saka nila ako tinignan. Umiwas naman ako ng tingin habang nakaupo sa kanilang harapan. Nahihiya ako kahit hindi ako dapat makaramdam ng gano'n. Napaluha na lamang ako nang walang ingay na lumalabas sa aking bibig. Kailangan kong magpakatatag dahil siguradong pagtutulungan nila ako pagkatapos nito. Anong gagawin ko ngayon? Natatakot ako! Diyos ko, tulungan niyo po ako. Sana ay may tumulong sa akin. Sana ay may handang makinig sa akin sa nangyari at ipagtanggol ako para makuha ang hustisya na dapat kong makamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD