ILANG oras na akong tulala habang nakadukmo sa aking mga tuhod. Simula nang iwan ako ni Harold kanina ay hindi na ako halos makagalaw sa kinaroronan ko. Gulat at takot ang lumukob sa loob ko nang mga sandaling 'yon. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng saklolo ngunit ni hindi ko maibuka ang bibig para humingi bg tulong. Hindi ko mawari kung bakit niya 'yon nagawa sa akin? Ngunit nasaan na kaya siya ngayon? Kanina pa ako nakaabang na bumukas ang pintong nilabasan niya pero wala pa rin ito hanggang ngayon. Pero maganda 'yon, kailangan ko munang huminga ngayon dahil ni hindi ako makatayo sa puwesto ko sa sobrang panghihina. Hindi ko rin talaga ma-proseso sa utak ko ang pagtangka niyang pagpilit sa akin sa bagay na 'yon. Para siyang ibang tao kanina, malayo sa Harold na nakilala ko noon. Though,

