Nang dalhin ako sa interview room, parang nawala na ako sa sarili. Sobrang lamig ng mga kamay ko, daig ko pa ang patay. Tulala lang ako at tahimik habang tinatanong ng police. Balisa ako sa tuwing sasagot sa kanyang mga itatanong. Hindi ko rin alam kung tama pa ba ang mga sinasabi ko dahil wala akong ibang nagawa kung hindi lamang manginig sa takot. "Kung tinangka ka ngang gahasahin ni Mr. Buenaventura, ano ang rason niya kung gano'n?" tanong pa niya. Ang dami na niyang natanong sa akin mula pa kanina, ang iba ay paulit-ulit na, para bang naninigurado siya. "H-hindi ko alam... H-hindi k-ko sigurado. B-basta, matagal na niya akong pinipilit na gawin ang bagay na 'yon, p-pero hindi ko siya pinagbibigyan k-kaya siguro ay pinilit na lamang niya ako," nakayukong paliwanag ko sa kanya. "Alam

