NAKADUKMO ako sa aking tuhod nang marinig ang news sa balita kaya naman napaangat ako ng tingin sa TV. "Narito tayo ngayon sa hospital kung saan isinugod ang isa sa mga politiko na si Harold Buenaventura. Ayon sa panayam namin sa kanyang ina, death on arrival na ito nang dalhin pa nila 'to sa hospital para i-survive. At gaya nga ng pamilya ng naiwang biktima, ang kanyang mga nasasakupan ay nagluluksa rin sa kanyang pagkawala," pagbabalita no'ng isang babaeng reporter. Biktima? Ako ang biktima rito, hindi siya! Kung alam niyo lang ang baho ng lalaking 'yon, maski kayo ay aayawin siya! Gustuhin ko man na magpaliwanag sa lahat ng mga tao para linisin ang pangalan ko, pero alam kong kahit na gawin ko 'yon ay hindi nila ako paniniwalaan! Mas naniniwala pa nga sila sa mga sabi-sabi lang! Sa ma

