Chapter 28

1961 Words

"ALL rise. The court is now in session. Silence is hereby enjoined..." Nang marinig pa lamang ang pagsasalita ng klerk ng hukuman ay sobra na ang kaba sa dibdib ko. Namamawis ang mga kamay ko at hindi ako mapakali sa aking puwesto. Tinitignan ko sila mama't papa at sinusubukang humugot sa kanila ng lakas. Kahit papaano ay nakakalma naman ang puso ko ngunit kapag muling bumabalik ang isipan ko sa kung bakit kami ngayon nandito, lumalakas lalo ang pintig sa aking dibdib. "All should stand for Judge Ferdinand Cabral..." Tumayo lahat ng tao sa loob. Nag-umpisa ang hearing sa isang mataimtim na dasal. Nakatulong 'yon sa akin at unti-unti bumagal ang t***k ng puso ko sa kabang nararamdaman mula pa kanina. Kagabi pa ako hindi makatulog para sa araw na ito, pinaghandaan ko rin ang mga sasabihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD