"Ms. Gonzalez, how long have you been in a relationship with Harold Buenaventura? At kailan mo nakita ang pagbabago niya?" 'yon agad ang unang tanong ni Noah sa akin. "I-isang taon na kami at nang mga nakaraang buwan lang, doon ko napansin na iba na ito kung pakitunguan ako. N-nagagawa na niya akong pagbuhatan ng kamay dahil ayaw kong pumayag sa gusto niya—" "Anong gusto niya, Ms. Gonzalez?" "G-gusto niyang may... may mangyari sa amin. Pinipilit niya akong makipagtalik sa kanya," nanginginig kong tugon ko. Napayuko ako at naramdaman ang pagtulo ng mga luha dahil sa naalala ko na naman ang kahayupan ni Harold sa akin, ngunit hindi nakatakas sa aking tingin ang biglang pagdilim ng mukha ni Noah sa aking sinabi. "Nang mangyari ang krimen, sinadya mo nga ba talagang patayin ang lalaki nan

