"Noah, puwede ba tayong mag-usap sandali?" Napatingin sa akin si Noah. Binitawan niya sandali ang pagkaing inaayos niya. Sinundan ko lamang siya rito sa kusina kasi 'di na ako makapaghintay na pasalamatan siya nang maayos. "What is it?" "Uhmm, gusto lang kitang pasalamatan sa pagdipensa mo sa akin para manalo tayo sa korte. Kung hindi dahil sa 'yo, sa tulong mo, hindi ako mapapawalang sala sa kasong inahain sa akin. At saka nagpapasalamat din ako na hindi mo pinabayaan ang mga magulang ko nang nasa loob ako ng kulungan, dinala mo sila rito at prinotektahan. Kaya salamat talaga sa lahat, Noah," mahabang lintanya ko saka binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Don't mention it. I just did my part, at ikaw, alam mo rin naman ang parte mo, hindi ba? You can stay here for tonight then tom

