SA mga lumipas na araw ay abala ang lahat sa paghahanda sa aming kasal ni Noah. Pero kami ni Noah ay parang wala lang sa amin at gano'n pa rin kami tulad ng dati, walang halos kibuan at pansinan, tila ba hangin lang kami sa isa't isa. Simula nang gabing 'yon na sinabi ko sa sarili kong hindi na ako aasa pa sa kanya, tinupad ko 'yon nang paunti-unti. Dinistansya ko ang sarili ko at naging casual na lamang. Sa tuwing magkakasalubong kami, ni hindi naglalapat ang mga tingin namin. Minsan naman din ay hindi kami nagkikita sa mansion dahil nasa office niya lamang ito o kaya'y nasa labas para sa mga importanteng bagay tungkol sa trabaho niya. At maganda naman 'yon, para hindi na rin ako gano'n mahirapan pang mag-adjust. Oras na rin marahil para ilugar ko 'yong sarili ko sa buhay niya. Siya na

