NANG makarating ng mansion ay nasa kanya-kanya nang mga upuan ang mga bisita, may mga nagku-kuwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay habang ang iba naman ay sinalubong kami pagbaba ng sasakyan. "Congratulations, Attorney! Best wishes for you two." Tinapik ng isang lalaking may edad na ang balikat ni Noah, gumanti naman si Noah ng ngiti sa kanya habang ako ay tumango lang. Naging sunod-sunod pa ang paglapit ng mga bisita sa amin pagkatapos no'n, nagbigay ng pagbati at mga advice tungkol sa buhay mag-asawa sa aming dalawa ni Noah. Ginaya ko na lamang ang ginagawa ni Noah, kundi tatango, ngingiti o kaya'y magsasabi ng pasasalamat. I just follow him like a puppet, kung saan ang amo ay doon din ang alaga. Pinilit ko ring maaliwalas ang mukha ko sa buong oras na 'yon sa harapan ng lahat ng tao

