"Ma, pa, aalis na po kami," paalam ko sa kanila at yumakap, yakap na sobrang higpit at parang ayaw ko nang bitawan pa. My chest hurts. Ayokong umalis. Hindi ito ang gusto ko pero ito ang kailangan kong gawin ngayon. Ni hindi ko magawang ngumiti nang mga sandaling 'yon dahil bigat lamang sa dibdib ang nararamdaman ko. Nang humiwalay sa kanila ay hinarap nila si Noah na nasa aking tabi. "Hijo, ikaw nang bahala sa kanya," seryosong habilin ni mama. Tumango lamang si Noah sa kanila at inilagay ang kamay sa aking balikat. Napatingin ako sa kanya nang dahil sa ginawa niya ngunit hindi naman ako umangal. "Makakaasa po kayo, ma'am, sir. Your daughter is in a safe place. There's nothing to worry," ani Noah. Lihim akong nasaktan. Bakit kailangan kong masaktan sa tuwing magsisinungaling siya? Nai

