Chapter 32 Sevi POV. 5 am na akong nakarating sa bahay at naabotan kong nagluluto ng pancit si Mama at nagtaka naman ako kung saan siya kumuha ng pera. Ang alam ko bente lang talaga ang iniwan ko kanina pero bakit nakapagluto siya ng pancit? Mas lalong nagulat ako nang sabay nagsigawan ang mga kapatid ko at nagpaulan ng ginupit na papel at may nakasulat pa. "Happy birthday kuya!!" Sabay nilang sigaw. "Happy birthday pogi kung anak!" Lumapit si Mama at hinalikan ako sa noo. Nagsimula nang tumulo ang luha ko sa mga ginawa nila. Ni hindi konga alam na birthday ko ngayon halos makalimutan kong kaarawan ko ngayon. "Ma, bakit nagluto kapa wala tayong pera san ka nanghiram?" Kunot noo kong tanong. Alam ko talaga walang-wala kami tsaka pag may kaarawan ang mga kapatid ko naghahanap

