CHAPTER 1: HAPPY AND CONTENTED
CHAPTER 1.
Kakatapos lang ng klase at habang hinihintay si Papa na sunduin niya ako ay bumili muna ako ng milk-shake kanina pa ako naiinitan. Pagkatapos kong bumili ay bumalik agad ako sa waiting shed.
Dito ko kadalasan hinihintay si Papa, sabi ko kasi pagka-out niya sa trabaho dumaan na lang siya dito. Makakatipid pa ako sa pamasahe at pareho lang ang uwuian namin sa out nila papa.
"Uy! Shunga naiwan mo ballpen mo!" ani Franz sa akin.
"Ay pasensya na nagmamadali kasi ako Franz baka nakadaan na si Papa hindi niya ako maisama pauwi," paliwanag ko.
Humalukipkip siya sa harap ko at pinasadahan ng tingin ang milk-shake na hawak ko. Tinitigan ko ang milk-shake na hawak ko kung may mali ba at muling tumingin sa kaniya.
"Grabe napaka kuripot mo sis! Bilhan mo ako doon bilis!" natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Hindi ko ito maubos gusto mo sa'yo na?" wika ko sabay abot ng shake.
"Ito talaga napaka kuripot!" aniya habang kinukuha ang shake sa kamay ko.
Akmang hihigop na siya ng magulat kami pareho nang may humablot ng milkshake na hawak niya.
"Salamat Jons!" sigaw ni Louie habang tumatakbo.
"Louie! Hoy! Akin 'yan!" At inis na inis na tumakbo si Franzen para habulin si Louie.
Natatawa naman ako habang pinapanood sila, hindi talaga sila bati. Araw-araw namang kinukulit ni Louie si Franzen, halos mapagalitan sila araw-araw sa room dahil sa ingay milang dalawa. Ito kasing si Louie napakakulit at itong si Franzen mabilis mainis kay Louie.
Paano ba naman kasi ultimate crush ni Franzen si Louie noon pa man pero ako lang ang nakakaalam no’n dahil ako lang ang maaasahan ni Franzen sa room. Halos pitong taon na kaming magakibigan ni Franzen at siya ang pinakamaingay kong kaibigan.
Si Louie naman ay gwapo at marami ang nagkakandarapa sa kaniya dahil sa kutis amerikano niyang balat at sa mga mapupulang labi niya. Hindi ko nga rin alam kung paano sila nagkakilala eh halos araw-araw silang nag-aaway.
"Nak, halika na." Napatigil naman ako nang huminto na sa harap ko ang kotse ni Papa.
Hindi naman siya kagandahan na kotse, maliitang ito at binigay ito sa kaniya noong thirteen pa lang ako. Tignan mo hanggang ngayon buhay pa rin, grabe kasi si Papa pagdating sa mga gamit. Maingat siya.
Kuntento na rin kami na may ganito kaming kotse kahit na luma nag tignan at maliit pero kuntento at masaya na kami dito.
"Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya habang abala siya sa pagmamaneho.
"Okay lang ako pa, ‘tsaka midterms na at may exam kami bukas," sagot ko naman.
"Hindi ka ba nagugutom? Anong kailangan mo baka may bibilhin ka para bukas? Para dadaan na lang tayo," pagtatanong niya.
Napangiti naman ako, sobrang bait talaga ni Papa. Concerned siya sa lahat ng bagay at lahat ng gusto namin ni Shirly naibibigay niya. Iyon nga lang sobrang workaholic si Papa.
Mamayang als syete ng gabi aalis siya para magtrabahong muli, tas bukas siya uuwi o kaya minsan hating-gabi siya umuuwi. Pinaliwanag niya naman kay mama na hindi naman mahirap ang trabaho niy lalo na't manager siya sa kaniyang pinagtatrabahuan. Sila kasi ang nag-a-assist sa mga nagde-deliver tuwing magdamag hanggang umaga.
Dadating siya bukas sa bahay ng alas syete din at babalik ng alas dyes para magtrabaho. Kaya siguro niya ito ginagawa kasi minsan nawawalan na siya ng oras sa amin lalo na kay mama kaya bumabawi siya.
"Okay na po, tsaka magpahinga ka na rin pa alam kong pagod ka," wika ko sa kaniya at nginitian ko lang siya.
"Basta sabihan mo ako ng mga kailangan mo, ha," aniya at tumango naman ako. "Galingan mo sa exam mo bukas at excited na ako na makapagtapos ka," dagdag pa niya.
"Gagalingan ko talaga, Pa, para sa'yo at kay Mama."
Sobrang saya ko kasi may papa ako na ganito, mabait at higit sa lahat mapagmahal. Swerte din kami kay mama bukod sa maalaga ay mahal na mahal din kami nun. Kaya nga napakasaya ko kasi may pamilya ako na hindi man gaano kalaki at karami pero punong-puno kami ng pagmamahalan at higit sa lahat masaya kami.
Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ni Shirly ang bunso kong kapatid na ubod ng kulit. Ipinakita niya sa akin ang perfect score at binuhat naman siya ni Papa.
"Ang galing-galing talaga ng anak ko!" ani Papa sabay halik sa kaniya.
"O siya sige na at kakain na tayo," wika ni Mama habang naglalagay ng plato sa lamesa.
Nag-abot ng pera si Papa kay mama, kitang-kita ko ang pagkadismaya ni Mama hindi ko alam kung bakit.
"Patingin ng assignments mo," saad ko kay Shirly sabay hila sa bag niya.
"Bakit ganito lang? Nasaan ang iba mong sahod?" rinig na rinig kong tanong ni Mama kay papa.
Nakinig lang ako habang nakatingin sa notebooks ni Shirly. Hindi ko alam kung ano ang problema, hindi naman nila sinasabi sa 'kin.
"Eh kasi 40% pa lang ng sahod namin ang ibinigay sabi ni boss sa katapusan na raw ang kulang," paliwanag naman ni Papa.
"Iyong kuryente mababayaran ba natin ngayon? Mapuputolan tayo paghindi nakabayad, iyong tubig lumalaki na ang bayarin," ani Mama sabay kuha ng ulam at nilapag niya ito sa lamesa.
"Gagawan ko ng paraan," kampanteng sagot ni Papa at umupo na sa hapag kainan.
Iniligpit ko na ang mga notebooks ni Shirly at alam ko na ang problema. Kulang ang sahod ni Papa para sa bayarin ngayon buwan. Ano kaya ang pwede gawin para makatulong? Naawa din ako kay papa, kumakayod siya para sa amin tapos may mga bayarin din sa iskwelahan. Paano na lang kung hindi ako tutulong?
"Hali na kayo at kumain na," pagtawag ni Papa sa amin.
Sabay namin kaming nagtungo ni Shirly sa lamesa at umupo na rin. Si Mama sumabay na rin, natakam ako sa ulam na niluto ni Mama. Adobong manok na may pinya.
Hindi naman kami gaano kayaman, katamtaman lang ang laki ng aming bahay. May salas, dining at kusina, sa itaas naman ang kwarto namin ni Shirly at kwarto nila papa at mama. Kuntento na rin ako sa kung anong meron kami, hindi na ako humahangad pa na maging mayaman at malaking bahay. Masaya na ako sa pamilya ko.