CHAPTER TWO: FAMILY PROBLEM

1076 Words
CHAPTER 2. Gabing-gabi na at hindi ako makatulog kakaisip kung paano ako makakatulong kay papa na makahanap ng pera pambayad sa kuryente at tubig. Tumayo ako at sumilip sa bintana at nakita ko si Papa nakaupo sa labas ng bahay at mukhang malalim ang iniisip niya. Dali-dali naman akong bumaba para puntahan siya. "Pa," pagtawag ko sa kaniya at dali-dali naman akong tumabi sa kaniya. "Ba't nandito ka pa sa labas akala ko umalis ka na?" tanong ko sa kaniya. "Nagpapahangin lang ako nak, ikaw ba't gising ka pa?" "Di kasi ako makatulog tay, sabado naman bukas walang pasok pero may group study kami," paliwanag ko. "Tay, narinig ko kayo ni Mama, pwede naman ako mag-part time pa, o kaya magtitinda ako na-" "Hindi na, kaya ko na anak, tsaka hindi naman kalakihan iyon," aniya. "Pero pa, gusto ko na makatulong," sagot ko naman at napatingin siya sa akin. "Dadating ka din sa puntong iyan, tapusin mo muna pag-aaral mo," hinagod niya ang likod ko at niyakap niya ako. "Mauna na ako anak, aalis na ako," paalam niya at pumasok naman ako sa bahay. Napakabait talaga ni Papa, pero hindi naman pwede na tutungango lang ako. Sa edad kong 'to hindi ko na kailangan maging pabigat sa kanila. Kailangan ko ding tumulong kahit papano. KINABUKASAN ay maaga akong nagising aalis din ako dahil may group study kami. Bumaba ako para kumain, nakita ko si Papa na kumakain at patapos na siya. "Morning pa," bati ko at tumabi ako sa kaniya. "Oh kumain ka na," aniya at ininom ang kape niya. Ilang oras ang nakalipas ay natapos na si Papa kumain, tumayo siya at kinuha ang bag niya. Hinalikan niya ako sa noo at agad na umalis. "Alis na ako," aniya at lumabas ng bahay. Ilnag segundo ay narinig ko ang biglang pagbuhay ng makina ng kotse niya. Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya nagpaalam kay mama at humalik. Iyon kasi kadalasan ang ginagawa niya. Tsaka hindi lang ito ang araw na ginawa niy iyon, ilang araw ko na rin nararamdaman na nag-aawa sila ni Mama o sadyang ayaw lang nila ipahalata sa amin. Nagtataka rin ako kasi kapag dito si Papa at walang trabaho hindi sila nagtatabi matulog. Si Papa nasa ibaba sa sofa natutulog at si Mama naman doon sa kwarto nila. "Ma, nag-aaway ba kayo ni Papa?" hindi na ako nagdalawang isip na itanong kay mama iyon. "Kung tungkol iyon sa bayarin gagawa ako ng paraan tutulong ako," dagdag ko pa at natigilan siya siya sa sinabi ko. "Pinagsasabi mo? Mag-aaral ka," sagot niya sa akin. "Eh bakit hindi kayo nagkakasundo ni Papa?" "Hindi ko alam sa kaniya kung bakit naging ganyan iyan, siguro pagod sa trabaho pero ginagawa ko naman ang lahat," paliwanag niya. Siguro nga tama si Mama, stress si Papa sa trabaho lalo na't kulang sahod nila. May mga bayarin pa sa kuryente, tubig at mga gastusin araw-araw. Kailangan lang ni Papa ng pahinga pero paano kung hindi siya magtatrabaho sino magbabayad noon. Umalis na ako nagpaalam at napagdesisyonan namin ni Franz na magkita na lang sa isang coffee shop kung saan kami mag-uusap tungkol sa research. Mabilis lang akong nakarating dahil hindi naman traffic at nakit ko kaagad si Franz na naghihintay din sa amin. Iyong dalawa naming kaklase na babae ay nandon na rin nag-uusap sila. Si Louie na lang ang wala. "Sino pa wala? Si Louie na lang ba?" tanong ko sabay umupo sa tabi ni Franzen. "Si Callista ata wala pa," sagot ni Jade ang kasama namin na kaklase din. "Teka si Callista ba 'yon? Parang inaaway ata siya ni Erika!" tanong naman ni Jenny ang isa pa naming kaklase. "Tara-tara!" ani Franzen at agad naming pinuntahan si Callista. "Grabe sumama ka talaga sa kanila? Wala kang utang na loob! Traydor!" rinig na rinig kong singhal ni Erika kay Callista. Si Erika ang kaklase namin na warfreak, kahit na kami ay nag-aaway din niyan. Masiyado kasing naiinggit eh wala naman siyang dapat na kainggitan sa akin. "Callista let's go," hinila ko si Callista ngunit pinigilan ako ni Erika. "Huwag kang bastos Jona! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?!" mataray niyang singhal sa akin. "Oh ba't nadamay si Mama dito? Ang sabihin mo ikaw ang bastos Erika," kalmadong wika ko sa kaniya. "Oh, kapag nalaman ni Cj ang ugali mo magsisisi siya na naging crush ka niya," aniya. Humalukipkip lang si Franzen at pumagitna sa amin. "Ang sabihin mo naiinggit ka lang kay Jona kasi crush siya ng crush mo!" sigaw ni Franzen sa kaniya. "Huwag ka sumali dito bakla ka baka masampal kita!" banta niya kay Franzen na kina&igting ng panga niya. "Bago mo pa ako masampal baka nag-change court na 'yang bagang mo subukan mo!" sagot naman ni Franzen sa kaniya. "Tara na nga, stress pangatlong kilay ko sa kaniya!" at bumalik na kami sa loob kasama si Callista. Bumalik kami sa loob, nagkasundo naman kami sa mga plano namin. Hindi kami nahirapan dahil nagtutulongan-tulongan naman kami sa mga topics. Pagkatapos naming mag-usap ay nagdesisyon na kami na bukas na lang kami magsisimula. Nagsialisan na sila at niyaya naman ako ni Franzen na mag-ikot. Pumonta kami sa isang mall, naglibot at nagchika sa nga ganap niya sa buhay. Ang sarap talaga kasama ni Franzen, makakalimutan mo problema mo tsaka hindi rin nauubusan ng kuwento. "Anong araw ngayon sis?" napatigil siya at napatanong sa akin. "Sabado bakit?" kunot noong tanong ko naman. "Wala bang trabaho si Papa mo?" "Meron bakit?" hinanap ko kung sino ang tinitignan niya pero hindi ko alam kung sino at saan siya nakatingin. "Diba papa mo 'yon?" tinuro niya sa isang restaurant at natigilan ako sa nakita ko. Si Papa nga, may buhat na buhat siyang sanggol at nakahawak sa kaniya ang isang babae. Kinukulit niya ang sanggol at tuwang-tuwa pa siya habang pinapatawa ang sanggol. "Sino 'yang kasama niya? Bakit niya buhat na buhat ang sanggol," sunod-sunod na tanong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita, naistatwa ako at andaming tanong na pumapasok sa isipan ko. Hindi naman niya siguro asawa iyon, wala siyang ibang pamilya. Kami lang ang pamilya niya. "Hoy, baka naman kaibigan lang!" pagpapakalma ni Franzen sa akin. Alam niya na sasabog na ang dibdib ko sa sakit. Halos bubuhos na rin ang mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilan. "Baka nga," sagot ko habang nakatingin lang sa kanila. Ang saya-saya ni Papa doon, parang wala siyang problema. Parang hindi niya iniisip ang mga bayarin sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD