CHAPTER 3.
Tulala ako habang kumakain sa harap nila, hindi ako kumikibo at tahimik ang buong bahay. Tanging ingay lang ng kubyertos ang nariririnig namin.
Hindi ko pwedeng bigyan ng malisya ang mga nakita ko, maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko pero hindi naman pwede na husgahan ko agad si Papa.
"Bukas aalis ako, gabi na ako uuwi Jona huwag magpapagabi ha, delikado."
Aalis siya? Doon ba siya ulit puponta sa babae na may anak na sanggol? Anong gagawin niya doon? Lalabas ba sila ulit? Kakain sa restaurant?
Halos sandamakmak na tanong ang pumapasok sa utak ko at hindi ko alam kung ano ang kasagutan doon. Kapag naiisip ko ang mga nakita ko kahapon naiistatwa ako at nawawala sa sarili ko. Ayoko bigyan ng malisya pero bakit ganito ang pumapasok sa utak ko, kahit na anong bura ko hindi maalis at pilit na bumabalik ang mga nakita ko kanina.
"Jona ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala ano may problema ba?" natigilan ako ng tawagin ako ni Papa.
"Ah- w-wala pa, ayos lang may naiisip lang ako," sagot ko at muling sumubo ng kanin.
"Ang sabi ko huwag kang magpapagabi lalo na't delikado," pag-uulit niya.
"Opo," mabilis kong sagot.
Habang kumakain ay hindi rin kumikibo si Mama, patuloy lang siya sa ginagawa at ng matapos siya ay agad siyang tumayo. Halos hindi ko na rin sila nakikita na madalas nag-uusap ni Papa. Kung meron man kapag humihingi si Mama ng pambayad o sa mga gastusin.
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa bahay, noong nakaraan buwan ayos pa naman kami. Maingay pa naman ang bahay dahil sa kulitan naminh apat. Pero ngayon biglang nagbago ng hindi ko alam.
Sa edad kong 'to kailangan ko rin malaman ang problema sa loob ng bahay. Nasa tamang edad na ako para mangialam siguro, ang gusto ko lang naman maibalik sa dati kung ano kasaya ang bahay na 'to.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako, hindi ko alam kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko at bakit ako nag-research tungkol sa mga nangyayari sa bahay.
Ang sabi dito baka raw may issue kay papa o kay mama, o baka naman may pinag-awayan sila na hanggang ngayon hindi pa nila napag-uusapan.
"Kausapin mo si Mama mo, tanungin mo kung may problema ba o wala," utos ni Franzen.
Tinawagan ko siya para hingan ng tulong kung ano nga ba ang gagawin ko. Tama naman siya kakausapin ko si Mama at tatanungin pero paano ang tipid-tipid na nga niyang magsalita ayaw pa ako kausapin tungkol kay papa.
"Sige bukas magkita tayo ha," sagot ko at agad ibinaba ang tawag.
Lumabas akl ng kwarto para sana puntahan si Mama ngumnit natigilan ako ng bukas ang pinto at may kausap si Mama sa telepono. Nakinig ako at nag-aalala ako dahil umiiyak si Mama.
"Hindi ko alam Cheska, bigla na lang siyang ganito, hindi na ako kinakausap at parang wala na siyang gana sa akin," sumikip ang dibdib ko sa mga narinig ko.
Bakit ba kasi nagkakaganito sila, ano ba kasi ang problema nila sa isa't-isa. Naawa ako kay mama, ni hindi man lang siyang nagawang kausapin ni Papa. Pero bakit pagdating sa amin ang sweet ni Papa, hindi siya nawawalan ng gana sa amin.
"Ginawa ko naman ang lahat, tapos ang sahod niya kulang na ngayon ewan ko ba kung saan pumopunta ang sahod niya," ani Mama at hindi ko napigilan ang mga luha ko at pumasok ako sa kwarto ko para doon umiyak.
Sa totoo lang nasasaktan din ako, naawa ako kay mama. Hindi naman kasi dapat ganito eh, masaya pa kami noong nakaraang ilang buwan.
Kinabukasan pagkatapos ng aming group study ay nag-usap kami ni Franzen. Humingi ako ng tulong sa kaniya kung ano ang pwedeng gawin para maayos itong problema sa bahay. Wala na akong ibang matakbuhan pa kung di siya lang.
"Siguro ang may problema diyan ang papa mo," aniya.
"Bakit mo naman nasabi iyon?" tanong ko naman.
"Kasi biglaan siyang nagbago at naalala mo iyong nakita natin siya? Malakas talaga ang kutob ko na may ibang asawa ang papa mo, huwag ka sanang ma-offend pero malakas talaga ang kutob ko na meron," saad niya sabay lamon ng cake.
"Anong gagawin natin? Para malaman natin ang katotohanan?"
"Syempre alamin natin, sundan natin at aalamin natin ang pangalan ng kinakasama niya at tignan ang backgrounds niya," paliwanag niya sa akin.
Medyo mahirap itong gawin pero masama naman ang manghusga lalo na kapag walang patunay na totoo nga. Pero ito lang ang paraan para malaman ang tinatago ni Papa kung sakaling meron man.
"Bukas aalis siya, dapat day-off niya iyon pero nagpaalam siya na aalis daw siya," wika ko naman sa kaniya.
"Ito na 'yong chance para masundan natin siya," mabilis niyang sagot. "Pero kung sakaling meron nga? Anong gagawin mo?" tanong niya at napatigil naman ako sa paginom ng kape.
"Hindi ko alam, iiyak? Tatanungin siya? Ewan basta," sagot ko sa kaniya.
Siguro kung dadating din sa puntong ganon kung sakaling totoo nga ang hinala namin baka maiiyak ako. Maiiyak ako sa sobrang sakit, na makita ang papa mo na masaya sa ibang pamilya.
"Ako kasi ng makita ko si Mama na may kalampungan sa mismong bahay namin naistatwa ako, hindi ko alam kung magagalit ba ako o iiyak, ang sakit kasi na traydorin kayo harap-harapan ng mismong ina mo pa," aniya at napangiti ako sa sinabi niya.
"Siguro ganon din ako, hindi naman natin hiniling na mapunta sa ganitong sitwasyon pero kapag dumating na hindi mo na alam ang gagawin mo," i stated.
"Walang perpektong pamilya lahat may problema kaya alam ko sis makakaya mo iyan," aniya at nag-apir pa siya sa akin.
Umuwi ako at naabutan ko si Mama na nakaupo sa labas ng bahay. Alam ko at ramdam ko na malungkot siya kaya tumabi ako sa kaniya.
"Ma, kumain na po ba kayo?" tanong ko at humalik pa ako sa kaniya.
"Mauna na kayo ni Shirly," malungkot na sagot niya sa akin.
"Ma, may problema ba? Kung meron man sana sabahin mo rin sa akin, ayoko kasing nakikita kang ganyan," sambit ko at napatingin naman siya sa akin.
"Ang papa niyo kasi, biglaang nagbago," sagot niya naman.
"Kakausapin ko si Papa, baka pagod lang siya sa trabaho at kakaisip kung saan kukuha ng pambayad," ayoko sabihin kay mama ang mga nakita ko, baka lalo lang siyang malungkot at masaktan kapag sinabi ko iyon.
Tsaka wala pa namang kasiguradohan kung sino ang kasama niya at ano niya iyon. Mas mabuting malaman ko muna ang katotohana bago sabihin kay mama. Pero sana hindi totoo ang kutob ko, sana isang masamang panaginip lang ito at sana pagkagising ko ay masaya na ulit ang lahat.